May ngiti sa mga labi ko ng pumasok ako sa opisina. Magaan ang pakiramdam ko. Naabutan ko si Yam na parang ang lalim ng iniisip. Pabirong hinampas ko ang table nito. "Ay! Kabayo!" natawa ko sa reaksyon nito. Pero ng balingan ko ito ay namumutla itong nakatingin sa akin. "L-Liway?" parang di makapaniwalang tanong nito. "Oo ako ito. Ano ka ba naman? Para kang nakakita ng multo? Si Gabriel?" tanong ko dito. "Bakit ka nandito? Di ba sabi mo hindi ka papasok at pupuntahan mo ang kapatid mo?" Tarantang tanong nito. Napakunot ang nuo ko. "Hindi nga. Saka mamaya ko nalang pupuntahan ang kapatid ko. Isasama ko si Gabriel para makilala niya na rin. Pero nasaan si Gabriel? Pumasok ba siya?" Tanong ko ulit. Sabi kase nito kahapon doon siya matutulog sa bahay. Pero inabot na ako ng madaling araw

