Walang imik silang sumakay sa sasakyan ni Jarren ngunit ramdam pa rin niya ang bigat ng atmosphere sa paligid nila. At hanggang sa makarating na sila sa bahay nito ay wala ni isa sa kanilang dalawa ang nagsalita. She wants to explain to him, pero sa hitsura nito ay mukhang wala itong balak makinig kahit kanino. Inihatid siya nito sa kwarto niya at pumasok rin ito sabay bagsak ng pinto pasara. “Who among them huh? Sino sa kanilang dalawa ang lalaki mo?” nang-uusig nitong tanong sa kanya. “Wala! Mga kaibigan ko lang sila.” Mariin niyang sambit habang umiiling at hinihiling na sana ay paniwalaan siya nito. “Really? O baka silang dalawa? How often did you have s*x with them—" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi nito at malakas niya itong sinampal. “How dare you!” nanginginig sa

