Hindi alam ni Belle kung bakit parang busy si Jarren. It was Saturday, nandoon lang sila maghapon sa bahay pero napapansin niyang madalas na may kausap sa phone si Jarren. If it’s about work, ok lang, maiintindihan niya. Pero mukhang hindi iyon tungkol sa trabaho dahil palagi itong lumalayo sa kanila sa tuwing may kinakausap ito. Lalo tuloy lumalakas ang hinala niya na may kalokohan na namang ginagawa ang asawa niya. “Jarren, kailan mo ba balak igala itong mga anak mo? Sunday bukas, pwede tayong lumabas tutal wala ka namang trabaho.” A part of her ay talagang gustong igala ang kambal pero may part din sa kanya na gustong subukan si Jarren. Pag talagang okupado pa rin ang buong atensiyon nito bukas ay dapat na talaga siyang mabahala. If it’s about Desiree or about something else, she wil

