“Sweetheart, bumisita nga pala si Des kanina sa opisina.” “Des?” Napakunot-noo siya sa binanggit na pangalan ni Jarren. Somehow it sounds familiar with her pero hindi niya maalala kung sino iyon. Kakauwi lang ni Jarren at kasalukuyan silang nagdidinner noon. Now that Jarren and her are married ay napapadalas na rin ang pag-alis ni Jarren para asikasuhin ang mga negosyo nito at siya naman ay naiiwan sa mansiyon. Hindi na rin siya gaanong pinagbabawalan ni Jarren na lumabas ngunit madalas ay may kasama siyang bodyguard. “Yeah. Your cousin.” natatawang sabi ng asawa niya. Oo nga pala… ang inggitera, malandi at social climber niyang pinsan na si Desiree na biglang naging Des na lang nang makaharap ang asawa niya. “Ano raw ang kailangan niya, bakit siya bumisita?” taas-kilay pa rin niyang

