“Mommy, kailan kami ni kuya magkakaroon ng baby brother and baby sister?” Muntik na naman siyang mapaubo sa tanong na iyon ni Pauline. Mukhang mas makulit pa ito kaysa kay Jarren. Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse nang hapon na iyon para igala ang kambal. Sa harap sila nakaupo ni Jarren habang ito ang nagmamaneho at nasa backseat naman ang kambal. Nakasakay naman sa kabilang kotse ang mga yaya nito, isang bodyguard s***h driver at ang driver na nagmamaneho. Sa Ocean Park muna nila dadalhin ang kambal at sa susunod ay sa ibang pasyalan naman. It’s still their wedding anniversary at napagkasunduan nila ni Jarren na ice-celebrate nila ang araw na iyon bilang family day nila para maging masaya ang kambal. Pero heto at mukhang mai-stress pa yata siya dahil sa itinatanong ni Pauli

