“Mom, Dad, what brought you here?” Pagkababa nila sa sala ay sinalubong agad si Jarren ng parents nito, at siya naman ay sinalubong ng parents niya. Lahat ng mga ito ay halatang worried sa kung anong bagay na hindi pa nila alam. “Jarren, ano itong nakakarating sa aming balita na may relasyon kayo ng pinsan ng asawa mo?” dinig niyang malakas na kastigo ng Daddy ni Jarren dito. Kasabay noon ay ipinakita naman sa kanya ng Mommy niya ang mga larawang ipinadala noon sa kanya ni Desiree. But there’s more…. May iba pang kuha ng pictures nina Jarren at Desiree na ngayon lang niya nakita. Nasa bar ang mga ito at naghahalikan at nagyayakapan. Pero wala nang mas lalala pa sa picutures na ipinadala sa kanya noon ni Desiree. “Explain it to us, Jarren. Is this true? Niloloko mo ba talaga ang a

