“You’re lovely.” Agad napangiti si Belle sa papuri ng asawa niya. Nakapagbihis na siya at tapos na rin siyang ayusan ng make-up artist na kinuha ni Jarren. Ngayon ang gabi na a-attend sila sa isang pagtitipon kung saan imbitado ang asawa niya kaya napipilitan siyang sumama. On the other hand, ayaw niya ring pumunta ito ng mag-isa dahil malamang ay marami ang mga kababaihan doon na maaaring kumuha sa atensiyon ng asawa niya. And she doesn’t like it. Ayaw man niyang pakaisipin pero nararamdaman niya ang unti-unting tuluyang paglambot ng puso niya para rito at napapansin niya rin sa sarili niya na unti-unti na yatang nade-develop ang mas malalim na feelings niya para sa asawa niya. But is it ok to have deeper feelings for her husband? Ayaw niya lang namang dumating sa punto ng buhay niy

