“Are you ready, sweetheart?” Napalingon siya kay Jarren mula sa pagsipat sa sarili niya sa salamin. She’s wearing a luxurious white evening gown that has a red glittery design. Medyo makapal rin ang make-up niya ngayon kumpara sa make-up niya sa tuwing umaattend sila ng mga pagtitipon ni Jarren. She already gave birth to their second son. Yes, lalaki ang sunod na ipinagbuntis niya at pinangalanan nila itong Chris, sunod naman sa kanyang unang pangalan. Tonight is a very special night for Jarren. Not just for him but also for her bilang asawa nito. Ito rin ang unang beses na aattend siya sa pagtitipong pupuntahan nila ngayon. “Yes, sweetheart.” Tumayo na siya at kinuha ang maliit na handbag niyang kulay pula saka siya lumapit kay Jarren. “Ang mga bata?” tanong pa niya rito.

