Kapansin-pansin ang pagiging seryoso ni Jarren nang araw na iyon pagdating pa lang nito sa bahay nina Auntie Josie. Gaya ng dati ay maaga itong dumating lalo at balik-iskwela na naman sina Jasper at Pauline at tumutulong itong mag-asikaso sa kambal. Pero hanggang sa sumapit na ang hapon ay di nakaligtas sa kanya ang tila pagiging problemado nito. He could hide it very well to their kids, but not to her. Habang nakikipaglaro si Jarren sa mga anak nila sa sala ay tumunog ang cellphone nito. Napapansin rin niyang kanina pa panay tunog ang cellphone nito ngunit lagi nito iyong kina-cancel at nagte-text na lang ito. Pero nang sandaling iyon na halos hindi na tumitigil kakatunog ang cellphone nito ay nagpaalam ito saglit sa mga bata at napipilitang sinagot nito ang tawag sa labas ng bahay.

