Bahagya akong nag-inat ng makitang unti-unti ng dumarami ang mga kalahok na kawal na bumabalik. Karamihan sa kanila ay may dala-dalang mga hayop na sa palagay ko'y hindi man lang aabot sa sampung kilo ang timbang, karamihan doon ay kuneho. Bukod doon, ay marami na ring hawak na mga rosas itong mga katabi't kaharap ko. Nakabalik na rin sila Windy at Viscountess Jessica mula sa hindi ko alam, kasi wala naman akong paki. Masama ang tingin nito sa akin na siyang ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil hanggang do'n lang naman siya. They can't do anything against me because they're just below me. Kung ganda at kayamanan lang naman ang pag-uusapan, walang-wala sila sa 'kin. "My lady look," Ava pointed on something na siyang mabilis ko namang tiningnan. Umawang ang aking labi nang dahil sa

