Tanghali na ako nagising pero ang diwa ko ay wala pa rin. Naglalaro pa rin sa aking isipan ang naging usapan namin ni Zacchaeus kagabi. Sa dinami-rami ng sinabi nito, ang tanging tumatak lamang sa isip ko ay ang isa itong Grand Duke. "Ayos ka lang ba my lady?" Tanong ni Ava habang sinusuklay ang buhok ko. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago tumango. "Ayos lang naman. Sadyang may gumugulo lang sa isipan ko," "Puwede ko bang malaman?" May paninimbang na tanong nito. Binitawan ko ang hawak-hawak kong diyaryo at tiningnan si Ava sa malaking salamin na nasa aking harapan. "Zacchaeus and I talked during the after party," panimula ko, at nagka-ideya naman agad ito. "But I didn't saw him at all my lady," ani Ava at umiling. "Ang tanging nakita ko lang na kasama mo ay sil

