Episode 48 "Salamat talaga Brent, pasensya ka na rin dahil sa akin naabala ka pa." Ani ko ng bumaba ako ng kotse niya. Nakasalubong ko siya kanina habang naglalakad ako sa Ac company, pauwi na ako noon ng makita niya ako. Nagmamadali pa siya kasi kailangan niya pang ibigay ang ilang papers sa Ceo. Hindi ko na natanong kung ano iyon kasi ayoko namang makisali pa doon dahil hindi naman iyon ang aking trabaho isa pa gusto ko nang umuwi. Saka mukhang importante kasi nagmamadali talaga siya. "Ayos lang iyon. Ikaw pa, basta kailangan mo ng isang tao huwag kang magdalawang isip na tawagan ako kasi lagi kitang pupuntahan kahit nasaan ka at kahit sobrang busy ko pa." "Ang hirap pala magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang suklian ng pagmamahal, sobrang sakit. Minsan natatanong ko sa sarili

