Episode 39 "Salamat dahil nakinig ka sa akin, Anna. Sana hindi mo iwan ang kaibigan ko." ani Andrea. "Andrea, pag-iisipan ko pa. Naguguluhan ako. Bakit hindi agad sinabi sa akin ni Leroy ang lahat ng ito!? Bakit sa ‘yo ko pa kailangan malaman!?" "Kasi natatakot siya. Na kapag malaman mo ang lahat ng ito ay iwan mo siya." "Bakit!? May pinagkaiba ba ngayon na alam ko na ang lahat? Hindi ba wala!? Ngayon alam ko na ang lahat, iniwan ko ba s’ya? Siya ang nang-iwan! Pinaasa niya ako sa wala! Ano, kinasuklaman ko ba siya? Hindi ba, hindi!?" "Pero kinakaawaan mo siya!" Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Kasi totoo. Kinakaawaan ko siya pero ... nalilito ako. Kung mahal ko pa ba siya o naaawa ako kay Leroy. "Bigyan mo ako ng oras para mag-isip, Andrea." Malumanay kong wika sa kaniy

