Episode 21 Nagsukatan ng titigan si Sir Leroy at Brent. Walang nais na umiwas ng tingin sa kanila. Baka naman sila pa ang magka-develop-an kapag hindi pa nila iniwas ‘yang titig nila sa isa't isa. Lumalagkit e. "Brent ano nga pala ‘yung importanteng sasabihin mo sa akin?" Tanong ko. “Naalala ko lang.” Umiwas na ng tingin si Brent at sa ‘kin na tumingin. "W-wala. Next time nalang, ano nga palang ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong. Oo nga naman. Ano nga naman ang ginagawa ng isang commoner dito sa pangmayamang party na ‘to? Bago pa ako makasagot sa tanong n’ya, lumapit sa akin si Leroy at inilagay niya sa beywang ko ang isang kamay niya at nagsalita. "She's my girlfriend. Kaya dapat lang na nandito siya. May problema ba tayo d’on?" Maangas na tanong ni Sir Leroy. Napatingin tu

