Episode 25 "Mag-celebrate daw tayo mamayang gabi sa Lucid Bar sabi ni Mrs. Saavedra. Grabe! Hindi ko akalain na magtatagumpay ang ating team for this year. Siguradong malaki ang kita ng Company this summer." Masayang masaya si Belen. Hindi lang naman si Belen kun’di kaming lahat ng nasa department dahil bukod sa sulit ang pagod namin sa isang linggo, tataas pa kahit kaunti ang sahod namin this month! "Sige..." Nahinto ako sa sasabihin ko kay Belen ng may sumaging boses sa isip ko. Don't you dare to go anywhere, or else, aangkinin kita. "Naku Belen, hindi ako pwede saka, ngayon ang uwi ni Leroy ‘di ba? Baka sunduin ko siya mamayang tanghali sa airport at samahan siya sa Condo niya buong maghapon. Kilala mo naman ‘yun," "Tss. Anobayan! Minsan lang ‘to e, pero sige, kay Assmiere nalang

