Episode 11 Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay hindi mawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Sir Leroy. Leroy or what. Arte. Ayaw pa ng sir. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging desisyon! "Anna anak, Baka pwede muna makahingi sa ‘yo kahit tatlong libo, yung pinagkakautangan kasi ng tatay mo e naniningil na. Wala naman akong pera na nakatabi para ibayad sa utang. Baka naman meron ka d’yan, ‘nak" pakiusap sa akin ni inay. Hindi ko na kinuwestiyon si Inay tungkol doon. Ibinigay ko kay inay ang natitirang pera sa wallet ko na tatlong libo. Mang hihiram nalang siguro muna ako kay Belen ng pera bukas, babayaran ko naman siya kapag sumweldo ako sa kinse nitong buwan. Alam kong nangangailangan kami ng pera pero, hindi naman siguro ito ang dahilan para ibenta ko ang sarili ko. Hindi ko

