Episode 14 Tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa kaya doon napunta ang aming atensyon. Tumatawag si Inay. "Anna, umuwi ka ngayon din. May mga lalaking dumating sa bahay at sinisingil sa utang ang tatay mo!" Tila nabingi ako sa narinig ko at sa garalgal na boses ni inay. "Po?" "What's the problem?" tanong ni Leroy pero hindi ko siya pinansin. Lahat ng atensyon ko ay ibinigay ko sa tumatawag sa akin na si Inay. "Umuwi ka na anak, sige na, kailangan ka namin dito.... KUKUNIN NAMIN ANG LAHAT NG GAMIT NIYO DITO KAPAG HINDI PA KAYO NAKAPAGBAYAD!" Inilayo ko muna saglit ang phone ko sa tenga ko dahil may sumigaw. Napamura ako dahil sa narinig. Pinatay na ang tawag. Holy Crap! Ilang beses ko pang ni-dial ang number ni Inay pero wala nang sumasagot. "What the f**k is the problem? Tell

