Episode 17 Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. "Ayos lang kahit hindi mo ako sagutin sa ngayon, pero.." "Sir Leroy bakit ako?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ako maganda. Hindi ako mayaman. Hindi ako ang babaeng nababagay sayo pero bakit ako ang napili mong magpanggap bilang girlfriend mo?" Matagal bago siya nakasagot. “Bakit ako, Sir Leroy?” "Dahil alam kong hindi mo ako magugustuhan. Dahil alam mong gago ako kaya imbes na mahalin mo ako ay kamumuhian mo ako." Parang may kung ano ang tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya. Dahil hindi ko siya magugustuhan? Sir Leroy, konting-konti na lang... mahuhulog na ako sayo! Matagal na kitang pinagpapantasyahan e! Matagal na kitang sinusubaybayan. Crush nga ata kita. "Pero boss kita, Ceo ka." "So, what? Magpapanggap lang tayo. Sa

