May meeting kanina, pina-present sa amin yung mga proposed designs sa mga stalls na naka-assign sa amin. Maganda naman ang naging comments sa designs ko, though merong mga minimal changes. After ng meeting sabay-sabay kami kumain nila boss, at inaya ko naman si Verone. Naka-close na rin ng tatlo kong kasama si Verone, lukaret din kasi at hindi naman patola sa mga tuksuhan at asaran. Habang kumakain kami tumawag si Harley. Sabi niya pupunta daw siya dito sa Cebu bukas hanggang Sunday. Yehey!!! Yahoo!!! Syempre maligayang-maligaya ko kasi makikita ko na ulit siya...at mayayakap. #ChansingPaMoreZed Habang kausap ko nga si Harley sa phone bigla na lang akong nilapitan nung creepy na si Adrien. Hindi ko naman siya pinansin masyado, tumango lang ako ng batiin niya ako tapos lumayo na ako sa

