Eto ang kwento sa nangyari kahapon. Pag-alis namin ng hotel ni Harley, dumiretso na kami kung saan namin imi-meet ang parents niya which is sa Garden Cafe. Kinabahan talaga ako ng bonggang-bongga kasi first time 'tong mangyayari sa buong buhay ko. Kay Franco naman kasi never ko na-meet ang parents niya kasi nasa ibang bansa, so ang parents talaga ni Harley ang una. In-assure naman ako ni Harley na mabait daw ang parents niya, and he's very sure that they will like me. Pagdating namin sa restaurant agad na nakita ni Harley ang parents niya. Lumapit siya at humalik sa mommy niya, at yumakap naman sa daddy niya. Ipinakilala ako ni Harley sa parents niya, Helena ang pangalan ng mommy niya at George naman ang daddy niya. Pagkapakilala sa akin ni Harley, nagmano agad ako sa kanila. Hindi ak

