Episode 1

3133 Words
Breaking news! "Natagpuang patay ang 56 anyos ang sikat na si Atty. Rocky Villegas sa kanilang bahay sa Doña Anaceta St., bandang 4:00 ngayong hapon lamang. May 21 na saksak ang biktima kasama na ang 7 saksak sa liig. Kilala si Atty. Villegas bilang.........." Walang ano - ano na pinatay ni Calleya ang tv. Tiningnan nito ang call log ng cellphone, saktong 3:30 natapos ang pag uusap nila ni Atty. Villegas, dinelete nito ang history calls, tsaka sinira ang simcard. "Walang pwedeng may makaalam nito." wika niya sa sarili. Binuksan nya ang hidden cabinet sa ilalim ng kanyang kama at kumuha ng isang cellphone at nilagyan ng bagong sim. May tinawagan sya. "Hello, ngayon patay na sya...." tumigil muna ito sa pagsasalita. "Tulad ng dati, walang makakaalam." pagkasabi ay binaba na ang telepono. Ilang tao pa ang kailangang patayin? sa isip nito saka pumasok sa banyo at naligo. Nang matapos itong magbihis ay nasipat ng mga mata nito ang isang itom na garbage bag na may laman na damit. Kinuha niya ito, at dinala sa labas saka sinunog. "Walang maiiwan. Lahat kailangang burahin" sambit niya bago ito sumakay sa kanyang kotse at umalis. Huminto sya labas ng lumang building sa liblib na lugar, pagkababa nya sa kotse ay may sumalubong sa kanya ng tatlong lalaki at isang babae. Ibinigay ang susi ng kanyang kotse sa isang lalaki, agad namang kinuha ito. "Alam nyo na ang gagawin dyan. Ngayong patay na si Atty. Villegas, hindi na tayo malayang makaka - kilos. Siguradong isang maling hakbang natin mahuhuli tayo. Ang bahay pakilinisan ng mabuti at walang bakas ng ebidensyang maiiwan. Maliwanag ba?" utos nito "Opo maam." sabay - sabay nilang tugon. "Maraming salamat at maiingat kayo" sukli nito saka tumalikod at umalis. Bago lumabas ng building ay nagbihis ulit ito ng mas simpleng damit saka humakbang palayo ng lumang building. Habang naglalakad pauwi si Iyah ay nadaanan niya ang kumpulan ng mga tao malapit lang sa kanyang boarding house. Mukhang may aksidente. Wika niya sa sarili. Dahil sa curiousity ay lumapit ito. Laking gulat niya, hindi pala aksidente kundi p*****n. At ang pinatay ay ang sikat na si Atty. Villegas. Nagulantang siya sa takot at nginig. Kilala nito si Atty. Villegas dahil palaging sya nitong binabati tuwing papasok sya ng trabaho. Nag eehersiyo kasi ang matanda tuwing umaga saktong dadaan naman sya. Minsan ng bibiruan pa nga silang talaga. Isang kanto lang ang layo ng boarding house nito sa bahay ni Atty. Villegas dahil nilalakad lang niya papuntang sakayan ng jeep laging syang dumadaan dito. Mabait at matulungin ang Atty. At marami na itong natulungan na inaapi na nabibigyan ng hustiya. Napailing na lang siya at nalungkot sa sinapit ni Atty. Villegas. At dahil gusto nya pang makakuha nag impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Atty. Villegas ay ng stay muna sya roon malapit sa bahay nito. Hindi rin ito makapasok dahil may harang nag mga pulis. Inilibot nito ang paningin at nahagip ng kanyang mga mata ang matipuno at gwapong pulis na kausap ang asawa at anak ni Atty. Villegas. Kahit kasi na uniporme ito ay napakakisig at makikita ang ganda built ng katawan. Bigla tuloy, nanuyo ang lalamunan niya. Nakatitig siya sa lalaki nang bigla itong napatingin sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata at nagkatitigan. Hindi niya alam kung ngingiti ba siya sa lalaki kasi ang seryoso ng mukha at halatang naasar dahil sa pagkakatitig niya. Una siyang bumaba ng tingin dahil sa hiya. Saka kinagat ang pang ibaba na labi. Naku, ano ka ba naman Iyah? Nakita tuloy nung masungit na pulis na yon ang titig mo sa kanya. Gusto niya sanang lumapit sa anak ni Atty. Villegas at makiramay ngunit hindi siya pwede tumawid sa harang ng pulis. Siguro sa susunod na araw na lang niya iyon gagawin saka umalis at umuwi na. Habang nakahiga sa kama si Iyah ay hindi niya maiwasan na isipin ang lalaki kanina. Napabalikwas ito at hindi makatulog. Bakit ayaw mawala ng lalaking iyon sa isip ko. Siguradong maga ang mga mata ko bukas. Ano ba yan? Ayaw akong tantanan ng lalaking yon ah. Bat ba kita iniisip? Pero infairness ang gwapo mo. Kinakausap na nito ang sarili sa kawalan. Hay! Crush na ata kita mamang pulis. Sabay hawak sa magkabilang pisngi at ngumiti ngunit agad din siyang nalungkot nag maalala na baka may girlfriend o asawa na ang lalaki. Giatay, baka masabunutan pa ako. Noway! Kailangan maalis ka sa isip ko. Sa inis ay tinakpan ang mukha ng unad. Hindi namalayan na dinalaw na pala siya ng antok. Halos buong maghapon na walang magawa ng maayos si Iyah sa trabaho dahil pa rin sa kakaisip sa gwapong pulis na nakita kahapon sa bahay ng mga Villegas. Hindi pa rin sya nakikiramay sa pamilya Villegas dahil hindi pa rin pwede lumapit doon. Nakakapaghinayang naman, na isang mabuting tao ang namatay dahil sa mga walang puso. Siguro matinding galit at siguradong may matindi na dahilan sa pagkamatay ni Atty. Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. "Iyah" tapik sa balikat ng katrabaho niyang si Ann. "Oh, bakit?" nagulat naman ito at bumalik ang pag iisip sa kasalukuyan. "Kanina pa kita kinakausap, sabi ko labas tayo. May iniisip ka ba?." wika ni Ann "Wala naman. Sige ba. Saan?" "Malapit lang dito, magandang daw dun pampawala stress." "Sige, basta wag masyadong gabihin ha?" paalala nito "Oo. Ikaw talaga. Sasama ka nga pero ayaw mong kagabihin ng uwi. Kaya hindi ka nagkaka - lovelife eh." sabay tawa nito. "Alam mong bawal lampas 12midnight sa boarding house." Iling niya. "Ba't hindi ka pa lasi lumipat? Kaya mo naman mag rent ng apartment o kaya maki - share sakin kasi mag - isa mag isa lang naman ako sa apartment ko." sabi ni Ann. "Ano ka ba? Okay naman ako sa tinutuluyan ko. Tahimik naman doon at safe ako." paliwangag niya. "Naku, iwan ko sayo, Iyah. Tatandang dalaga ka niyan. hahaha" "Hoy baliw! 26 pa lang ako." depensa nito. "Nasa right age kana kaya. Masarap kaya magkaroon ng jowa." sabi ng kaibigan "Darating din 'yon." "Kailan? Pag kunat na ya?" "Grabe ka naman makakunat. Importante kahit kunat kayang lumalaban sa labanan" Sabay silang tawa. Dahil sa haba ng chikahan nila Ann ay hindi nila namalayan na 5:00pm na. Mabilis silang ligpit ng gamit at nag - ayos. Dahil pareho silang may dala na pampalit, ay nagbihis muna sila bago umalis sa building napinagtatrabahuan nila. "Grabe ha. Nag ready ka na talaga at nagbaon ka na nag damit." sabi ni Ann habang nasa sasakyan na sila nito. "Syempre, nadala na ako nung nakaraan." sabay sila tawa "Nakakahiya talaga 'yon. Ngayon, kahit gagawa ako ng kagagahan hindi na ako mahihiya at baka malaman kung saan ako nagtatarabaho noh." "Oo nga." sabay uli silang tumawa. Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya? Dahil instant na niyaya siya ni Ann na lumabas, pumunta ng bar at nalasing na nakapang opisina. Eh, may naka embroid na logo yung uniporme nila. Hindi sinasadyang nasukahan yung nakasalubong na lalaki. Kinabukasan pinuntahan sya sa trabaho upang singilin. "Ayaw ko nang maulit yon no." Imagine, buong building ang nakaalam ng kagagagahan ko. Nakakahiya talaga 'yon." Nang marating nila ang lugar na agad naman silang bumaba. Isang resto ang pinuntahan nila, bagong bukas ito at medyo madami - daming tao pati na rin sa kalapit nitong mga resto dahil araw ng sabado, ladies night kumbaga. "Maganda pala dito." sabit niya kay Ann. "Bagong bukas itong resto, yun iba matagal na yan. Maganda dito kasi lahat dito na. Food, drinks at syempre may disco area din." paliwanag ni Ann. "Maganda nga." sang - ayon nito saka nilibot ang buong paligid saka naghanap sila ng pwesto. Palabas na sana si Theo ng station nang bilang tapikin ni Dan ang kanyang balikat. "Theo, pare, sama ka sa amin. Sa bagong bukas na resto nang pinsan ko." yaya ni Dan. "Naku, pare. Wag na." tanggi nito. "Ito talaga si Theo, parang daing pa si Maria Clara. Resto naman ang pupuntahan natin." sabat ni Leo "Kaya ka hindi nagkaka - girlfriend kasi bahay at trabaho ka lang. Wala nang ganyan, pare." si Vince naman. "Busy lang talaga mag pare, alam nyo naman....." hindi natuloy ang sinabi. "Sumama ka na, pare. Para kang sampu ang anak. Binata ka naman " si Alex "Tara na Theo. Sama ka na." Sabi ni Ian "Siguro maraming chix ngayon." dagdag ni Leo. Napailing na lang siyang umu - oo. Lagi kasi siyang tinutukso ng mga kasamahan dahil bihira lang siya mag night out. Napakapihikan at walang hilig niya mambabae. Nagka girlfriend naman sya pero hindi nakaramdam nang salitang "mahal". Bukod kasi sa pagiging pulis ay inaasikaso nya din ang mga negosyo nag pamilya nila dahil hindi na kaya ng mommy niyang i - manage ito. Ayaw kasi ng mga magulang ni Theo na ibang tao ang humawak ng negosyo nila kaya kahit may katiwala naman sila ay hands on pa rin siya sa negosyo kaya halos wala na siyang oras sa mga ganitong bagay. Dahil sabado naman bukas at off duty niya ay pumayag siyang sumama sa mga kasama. Hindi naman sya masyadong umiinom eh. Sinalubong sila ng pinsan ni Dan ng makarating sila doon. Bagong bukas ito at madaming tao. Dahil may na reserba nang table sa kanila ay agad silang dumeretso sa loob. "Ayyyyyy!...." isang malakas na sigaw ng isang babae. Dahil nakatuon ang pansin ni Theo ay hindi nito nakita ang babaeng lasing nakasalubong kaya natumba sila pareho. Nasa ilalim si Theo at nasa nito ang babaeng lasing, magkalapat ang mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Theo. Ang mga kasama ang natigilan din, halos lahat ng tawo sa resto na iyon ay nakatingin sa kanila. Pinunasan ng babae ng kanyang dalawang kamay ang bibig ni Theo habang nasasalita. "Sorry.... sorry... sorrrr." natigilan ang babaeng kasing sa pagsasalita. Sumenyas siya sa babae na stop saka tinulungan nya itong makatayo dahil lupaypay na ito. Nang makatayo sila ay tumingala ang babae sa kanya saka lang nila na kita ang mukha habang nagsasalita ang babae ng "sorry". Ito yung babae noong nakaraang araw. Sa utak ni Theo at biglang sumeryoso habang hawak ang dalawang braso ng babae st nakatingin sa mukha nito. Ah, ang ganda nya. Sigaw ng utak ni Theo. "Miss." sa wakas nasambit din ni Theo. "May kasama ka ba?" tanong niya sa babae. Dahil sa kalasingan ay hindi masyadong marinig ng babae ang sinabi. "Ano sabi mo?" tanong ng babae na hindi maintindahan ang sinasabi nito. Nilapit ni Theo ang bibig sa tenga ng babae. "Sabi ko, may kasama ka ba?" malakas na sabi nito Biglang hinawakan ng babae ang tenga "Ano ka ba!? Hindi ako bingi. Naririnig ko sinabi mo. Bakit mo ako isinigawan?" reklamo ng babae. "Hindi kita sinisigawan." paliwanag ni Theo "Hindi ba yon? E masakit na tenga." sagot nito. "Hindi nag eh." nayamot na din si Theo sa kakulitan ng babae "Anong pangalan mo." "Aba! At ngayon gusto mo malaman ang pangalan ko?" pahiyaw na wika ng babae Napakamot ng ulo si Theo. "Miss, sandali. Hindi kita sini.........." hindi natapos sa pagsasalita si Theo dahil pinutol nang babae. "Hoy, mister." dinuro niya sa dibdib "Akala mo kung sino ka? E gwapo ka alng naman eh, eh bakit..." hindi na natapos ang sinasabi ng babae dahil bilang hinalikan ni Theo. Lasap ni Theo ang alak sa bibig ng babaeng lasing ngunit malambot ito. Sobrang lambot. Tiwala tumigil ang minuto dahil parang walang ibang tao sa paligid nila at lahat ay nagulat. "Pare, bakit hinalikan mo yung babae? Natukso ka ba niya?" panunukso sa kanya ni Alex habang umiinom ang mga kaibigan. "Nagandahan ka ba sa kanya pare?" sabat ni Leo "Kundi maganda talaga." sang - ayon ni Dan. "Mga baliw, ang kulit kasi. Ayaw tumigil sa kakatalak at ang ingay." depensa ni Theo "Ayaw daw tumigil. Hindi mo kamo napigilan sarili mo." kontra ni Vince "Normal lang naman yan pare, lalaki tayo eh." si Ian ang sumagot Napailing na lang siya saka sinulyapan ang sa mahabang sofa ang nakaupong natutulog na babae. Lasing din pala ang kasam nito. Kahit medyo malayo ang babae ay nakikita nito ang maganda at maamong mukha nito at hindi nya napigilan at sarili natitigan ito. Maraming babae ang nagpapansin sa kanya pero wala siya pinapansin. Hindi siya mahilig sa babae. Kumbaga, sya ay may pusong bato. Nag girlfriend man ay hindi niya alam ang salitang mahal o I love you. Ni sa tanang buhay niya ay wala pa siyang babaeng sinabihan ng I love you bukod sa kanyang mommy. Inaamin niyang sweet at thoughtful siya sa mga naging girlfriend niya pero wala siyang naramdaman na pagmamahal or spark man lang. Nagising si Iyah sa sobra sakit ng ulo. Napahawak ang dalawang kamay nito. "Urghhh... ang sakit nang ulo." sabay balikwas ng makitang hindi niya ito bahay. "Nasaan ako?" tanong niya. Kahit masakit ang ulo ay nilibot nito ang paningin. Nagulantang ito ng makitang may katabi siyang lalaki, kinapa niya ang sarili, wala namang masakit sa kanya. Tiningnan nya ang mukha ng lalaki, laking gulat nya kaya napasigaw siya. "Waaaaaaah!" dahil sa lakas ng sigaw niya ay nagising ang lalaki. Hinimpas niya ng malakas sa dibdib ang lalaki. Maagap na hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. "Sandali, bakit ba?" tanong ng lalaki sa kanya. Para pa siyang nagulat sa tanong ng lalaki. "Bakit, bakit bakit?" tanong niya sa lalaki. "Anong bakit?" "Anong ginagawa ko dito?" Ngayon nauunawaan na nang lalaki. "Hindi mo naalala ang nangyari kagabi?" Umiling sya habang nakasimangot. "Lasing ka kagabi. Hindi lang lasing. Lasing na lasing. Hindi ko naman alam bahay mo at saka alangan namang dalhin kita sa motel at baka ano pa magawa ko sayo." dugtong ng lalaki. Namula ang mukha ni Iyah. "Wag kang mag - alala. Si mommy ng bihis sayo. Bawal ang hindi kakilala na pumasok sa loob ng bahay. Ang alam ng mommy ko girlfriend kita." Nanlaki ang mata ni Iyah sa sinabi ng lalaki. "Ano!? Bakit mo sinabi yon?" hinampas niya ito ng unan. "Anong sasabihin ko? Napulot kita kung saan - saan? Walang akong ginawa sayo . Dapat sa guest room ako matutulog kaya lang gising pa kagabi sila mommy hangga't nakatulog ako sa kakahintay na matulog na sila. Magtaka pa." paliwanag ng lalaki. Hindi sya umimik. Wala na siyang magagawa. Nakakahiya talaga. Yung natulog sya sa bahay ng hindi niya kakilala. Tatayo sana sayo pero ang sakit at ang bigat ng ulo nyo. "Aray ang sakit ng ulo ko." sabay sapo nito. Sumandal na lang ulit ito sa headboard. Matapos ang ilang minuto ay tumayo ang lalaki at pumasok sa banyo saka lumabas din agad. Bago lumabas ng kwarto ay nilingon muna ang babae. "Sumunod ka na lang sa baba." wika nito. Tumango lang ang babae saka dumeretsong lumabas ang lalaki ng kwarto. Hindi naman tumagal at sumunod syang bumaba kahit masakit pa ang ulo. Nakapag ayos na ito at dala na ang gamit. Habang hakbang ang mga baitang ng hagdanan ay nilinga niya ang buong mansyon. Napakaganda ng pagka interior. Eleganti at nakapaka simple. Modern Vintage ang desinyo sa loob na talagang napakagaan sa paningin. "Miss Iyah, sumunod na lang daw po kayo sa garden. Naghihintay sina madam at sir sa inyo." tawag sa kanya ng isang katulong. "Sige po." tugon niya saka sumunod sa likuran ng babaeng may kaidaran na. Nang marating nila ang harden ay mas namangha ito sa ganda na napapaligiran ng napakaraming dahlias at orchirds. May man made falls na nagkukunekta sa pond at may lagoon din. Sa ginta ay may lamesang at upuan nga gawa sa kahoy. Doon naka upo ang isang lalaki at may edad na babae na marahil ay ina ng lalaki. Nang malapit na sila ay agad siyang bumati sa ginang. "Magandang umaga po maam." bati nito saka bumaling ang tingin sa lalaki. Ang gwapo talaga nya. Hindi magkamukha ng babae marahil mana ito sa kanya ama. "Kamusta, iha. Okay lang ba ang tulog mo? Upo ka." anyaya ng ginang. Si Millari Saavedra. Asawa ng namayapang si Governor Calixo Saavedra. Tumango si Iya at umupo sa bakanteng upuan na katabi ng lalaki. "Nakatulog ka ba ng maayos? Hindi ka ba pinagod ng Theodore ko?" pilyang tanong ng ginang. Namula ang magkabilang pisngi nito sa hiya na halos hindi makatingin ng deretso. "Ma...." sabi ni Theo sa ina na naunawaan naman ang ibig sabihin. "Am I too personal, iha? Sorry. Sa inyo na yon ng anak ko. Malaki na kayo." wika ng ginang. "Ma, walang ganon." depensya ng lalaki. "Pasenya" bulong ng lalaki sa kanya, hindi naman ito umimik. "Okay lang naman iyon, anak. Mabuti na rin 'yon at magka apo na ako." hinawakan ng ginang ang kamay ni Iyah. "Ikaw pa lang ang babaeng dinala nya rito." ngiting sabi ni Mrs. Saavedra. "Bawal ang kung sino - sino ang matutulog sa kwarto nya unless kung magiging asawa ni Theo. House rule ng ama nya." Napatingin na naman sya sa lalaki. Sobrang kabado nya. Akala tuloy ng nanay ng lalaki ay totoong girlfriend sya nito. Kaya pala sinabing girlfriend siya nito. Sino ba naman ang matinong babae na matutulog sa bahay ng hindi nya kakilala. Mas nakakahiya naman kasing sabihin na pinulot lang sya ng lalaki kung saan at inuwi sa bahay. Mas hindi magandang malaman iyon ni Mrs. Saavedra, lalo't hindi pala basta basta makakapasok sa bahay nito ang kung sino - sino lang. "Ma..." ulit ni Theo. Kibit balikat ng ina ni Theo bago sumubo. Malaking pasalamat ni Iyah na wala namang masyadong tanong si Mrs. Saavedra sa kanya habang kumakain maliban sa kanyang trabaho at mga magulang nito. Panay lang ang biro nito sa anak at tukso nito sa kanilang dalawa. Gumaan din ang pakiramdam niya sa huli sa ginang dahil hindi naman ito mahirap pakisamahan at hindi ito matapobre. Sa katunayan ay sobrang bait nito na halos ayaw na san siyang pauwiin keso maiiwan naman daw itong mag - isa palaga. Busy daw kasi ang anak sa trabaho at sa kagabi naman ay negosyo ang inaatupang nito. Kahit isang alagad daw ng batas ang anak ay hindi pa rin nito pinapabayaan ang kanilang negosyo. Ayon kay Mrs. Saavedra ay matagal na daw sana niya gustng umalis ang anak sa serbisyo mula ng mamatay ang asawa ngunit ayaw ng lalaki dahil gusto nito ang trabaho. Pinangako din naman kasi nito na hindi pababayaan ang kanilang negosyo, tinupad naman nito. Pa minsan - minsan lang daw siyang pumunta sa opisina nila kung may importante lamang o may mahalagang problema. Kaya minamadali na nito na magka - asawa ang anak at mabigyan sya ng apo sa ganon ay maaliw naman daw sya .Bago sya umalis ng bahay ng nga Saavedra ay nagbilin ang ginang na dalawin sya nito ulit at ng friend request pa ito sa f*******: parakahit daw papano ay mag chat silang dalawa at hindi ito malungkot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD