“Saraiah may problem.” Ang bungad sa akin ni Annaya pag gising ko. “Huh?” Takang tanong ko. “May problema sa company, nag sisimula na sila mag back out at mag pull out ng mga stocks, pati investors umaalis.” Naiiyak niyang sambit. Agad na kmuabog ang aking dibdib at nawala ang antok na kanina lang ay nararamdaman ko. “Anong nangyayari? Bakit? Paano?” Sunod sunod kong tanong. “Hindi rin naming alam, actually kakabanggit lang nila Noah niyan, sinusubukan nilang kumausap at ayusin.” Sambit ni Annaya. “Nasaan si Ryen?” Tanong ko. “Nasa labas, nakikipag usap din sa mga investors. Madadali company mo.” Seryosong sambit ni Annaya. Not again please. “Paanong nangyari na nag back out at nag pull out sila?” Tanong k. “Wala pa yung puno’t dulo ng pangyayari. Nag ka gulatan nalang din kanina.

