"Kapag hindi mo ako tinuruan gumamit ng baril at kung paano pumatay isusumbong kita sa kuya ko, sasabihin ko sa kanya na may gusto ka sa kanya" sabi ng asungot na to
"Sumbong mo samahan pa kita" natatawang sagot ko
"Sasabihin ko sa kanya na ikaw ang pumatay sa pamilya at mga tauhan namin" banta nya
"Sige na, pero ayoko ng madaldal at maingay" sagot ko
Kahit kailan hindi ko naisip na magpapa blackmail ako sa isang bata, isang sampung taong gulang na bata
"Yehey! Salamat ate" natutuwang nagtatalon pa ang asungot na to
"Sensei, yun ang itatawag mo sakin kapag nagsasanay tayo" pagtatama ko sa kanya
"Maliwanag po sensei" nakangiting sagot nya
"Ikaw ang magiging padawan ko" binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti at ginulo gulo ang buhok nya
"Bwiset ka Jim ibalik mo sakin yan!" sigaw ko habang hinahabol sa buong sala ang kumag na yon
"Kiss mo muna ko bago ko balik sayo to" nagtatatawa sya habang winawagayway ang music sheet ko at nagpapahabol sakin
"Ahem! Nakakaistorbo yata ako" sabi ni Michael
"Oo storbo ka pre" seryosong sagot ni Jim
"Monique may sasabihin sana ko sayo pero sige mamaya nalang" inayos nya ang suot na salamin saka tumalikod
"Uy Michael ayos lang, wag ka nagpapaniwala sa kamoteng to. Tara dun tayo sa mini bar" hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya
Iniwan namin si Jim na kumakamot ng ulo
"Ano ba yung sasabihin mo?" nakangiting tanong ko
"Nasabi ko na to kay Omi kaso ang sabi nya ikaw daw ang tanungin ko. Medyo mahabang kwento kase" nahihiyang saad nya
"Sige ayos lang, ano ba yun?" tanong ko
"Pwede bang dito ko muna patuluyin ang bunsong kapatid ko? Patay na ang step mother ko at ako nalang ang pinakamalapit nyang kamag anak, wala pa kase akong nakikitang mag aalaga sa kanya" pagkukwento nya
"Yun lang pala ayos lang" sagot ko
"Salamat ah. Wag kang mag alala sampung taong gulang na ang kapatid ko at tahimik na bata sya" nakangiting saad nya
"Akala ko naman manliligaw ka na saken" bulong ko
"Huh? Ano yun?" takang tanong nya
"Wala wag mo nalang pansinin yun. Kailan nga pala ang dating ng kapatid mo?" tanong ko
"Bukas ang dating nya, isa pa nga yun sa iniisip ko. Wala pa syang gamit dito. Pwede mo ba kong samahan mamili?" yun nanaman yung ngiti nyang nakaka akit
At dahil marupokpok talaga ako, pumayag ako
"Sige ba, basta ililibre mo ko ng masarap na ramen, gyoza at yakitori" pakunwaring kundisyon ko
"No problem kahit gaano pa karaming kainin mo" natatawang sagot nya
"Bibihis lang ako" binigyan ko sya ng matamis na ngiti bago umakyat sa silid ko
Nang makaakyat ako ay sinalubong ako ng isang nakakatakot na nilalang, syempre si Jim na yun
Nakasandal sya sa pinto ng silid nya na katabi naman ng silid ko
Bago pa ako makarating sa silid ko ay humarang na sya sa dadaanan ko at hinapit ako sa beywang hanggang sa lumapat ang katawan ko sa katawan nya
Dahil sa may katangkaran sya ay bahagya syang yumuko ay itinapat ang bibig nya sa tainga ko
"Do I need to kill him now?" bulong nya at saka ako dinampian ng halik sa pisngi
Nanlaki ang mga mata ko at nagtayuan ang mga buhok ko sa batok at braso dahil sa sinabi nya
Humahalakhak sya ng iwan ako at pumasok sa silid nya
Pumasok nadin ako sa silid ko at nagbihis
Kasalukuyan kaming namimili ng makasalubong namin sila Omi at JM sa mall at tila may sinusundan ang dalawa
Akmang tatawagin ko si Omi ng makita nya ako at tinakpan ang bibig ko
Napatingin ako sa direksyon na tinitignan nya, nakita ko sa di kalayuan sila Tomoyo at Ayame
Si Michael naman ay naiiling nalang sa nakita namin
"Kayong dalawa para kayong mga stalker dyan, lapitan nyo na kaya at ayain mag date" mahinang sabi ko sa dalawang bugoy
"Saka na, wag muna ngayon" sabi ni Omi
"Pero teka nagdi date kayong dalawa no? Naku Monique playgirl ka pala, paano na si Jim nyan, malamang nagmumukmok na ngayon yun dun sa bahay" pang aasar ni JM
"Hindi ah, may bibilhin lang kame para sa kapatid ni Michael" namumula nanaman ang mukha ko
"Talaga ba? Bakit mas red pa sa apples yang cheeks mo" natatawa sya sa sariling biro nya
Pasimple akong lumapit kay JM at sinikmuraan sya kaya napa igik sya sa sakit at napahawak sa tyan nya
"Oh JM anong nangyare sayo?" tanong ni Michael
Pinandilatan ko sya ng mata at ipinakita sa kanya ang nakakuyom na kamao ko
"Wala, nagugutom na kase ako. Tara na mahal kong Omi kain na tayo dear" pagbibiro nya kay Omi at humawak pa sa braso nito
"Bitiwan mo nga ako JM, sasapakin kita" naiiritang inalis ni Omi ang pagkakahawak ni JM sa braso nya
"Hay nako magpinsan nga kayo ng amasonang yan, pareho kayong bayolente" patuloy sa pagbabakla baklaan ni JM
Hindi na namin napigilan ni Michael ang pagtawa
Nagtatawanan kameng lahat kaya hindi namin namalayan na palapit pala samin si Trent
"Hey guise, everyone seems happy today, nice seeing you here" at nakipag high-five sya samin
Kumulo ang tyan ko kaya nagyaya na si Michael kumain kahit wala pa kaming nabibiling gamit
Nakasabay namin pumasok sa restaurant sila Tomoyo kaya nagpasya kame na magsamasama nalang kumain
Napagkwentuhan namin yung haponesang hinahanap ni Trent
"I can help you find her if you like" seryosong saad ni Omi
"Ay oo nga pala Omi marami kayong connection all through out Japan diba" mahinhing sabi ni Tomoyo
"Ye-yeah" nauutal na sagot ni Omi
Palihim akong natawa at tinext sya
M: one word nalang nauutal ka pa hahahahahaha
Omi: tangina pinapawisan kamay ko
M: yuck! Pasmado
Omi: gago
M: gago too
Omi: nahihiya talaga ko
M: hahahaha balakadyan
Omi: laking tulong mo bwisit ka
M: bleh!
"So Trent, want us to step in?" tanong ko
"Hmm... Since I've been searching for years and still nothing happens, yeah sure I'd like some help" nakangiting tugon ni Trent
"It's settled then. Guise, much as we want to stay but we really need to go, may mga kailangan pa kaming bilhin para sa kapatid ni Michael" pagpapaalam ko
"Ay oo nga pala, yung bunsong kapatid ni Michael will be staying with us starting tomorrow" anunsyo ni Omi
Mukha namang ok lang din sa kanila
Nagpaalam na kame sa kanila at namili
"Uhm... Monique pwede bang magtanong ng medyo personal na tanong?" sabi ni Michael habang tumitingin ng kamang pang bata
"Sige lang" tugon ko
"Kayo ba ni Jim?" direktang tanong nya
"Hindi" sagot ko
"Bakit palagi kayong magkadikit? At parang ayaw nyang may ibang lumalapit sayo?" nawala ang ngiti sa mukha nya
"Wala yun, biro nya lang yun, masyado lang makulit ang isang yun" paliwanag ko
"Sige, sabi mo e" inayos nanaman nya ang suot nyang salamin
Gabi na ng makauwe kame ng bahay, tapos na ang lahat maghapunan
Nagtungo ako sa kitchen para tignan kung anong inihanda ni Chang
Dinatnan ko si Jim na may hawak na lata ng beer
"Binili nyo ba lahat ng laman ng mall?" tanong nya
"Hindi" kaswal na sagot ko
"Tagal tagal nyo" tumalikod na sya at nilayasan ako
Nabangga naman nya si Michael na papasok sa kitchen, wala manlang syang sinabi
"Problema nun?" takang tanong ni Michael
"Malay ko dun" kibit-balikat kong sabi
Kumain kame ng hapunan at nagkwentuhan, namalayan nalang namin na mag uumaga na pala kaya nagpasya na kaming magpaalam sa isat isa para matulog
Sabay din kameng umakyat
Magkatapat ang silid namin kaya halos sabay din kameng pumasok
Nang makapasok ako sa silid ko ay nagtaka ako kung bakit nakapatay ang ilaw, may lumapit sakin at niyakap ako
"Hindi pa ba kayo nagsawa sa maghapong pagsasama nyo at inabot pa kayo ng madaling araw?" amoy na amoy ang beer sa hininga nya
"Jim anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang kinakalas ang kamay nyang nakapulupot sa katawan ko
"Hinihintay ka" sagot nya na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin
"Bakit?" hinayaan ko nalang sya sa gusto nya
"You're like a magnet, so strong, that I can't pull myself from you. I tried but I failed." dinampian nya ko ng halik sa labi at saka lumabas ng aking silid
"f**k!" naguguluhan na ko
Nasa sala ako ng dumating ang bunsong kapatid ni Michael na si Albert
Ipinakilala sya sakin ni Michael
"Hi! I'm Monique" pagpapakilala ko
Namilog at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako, nagtaka ako kung bakit
"I'm Albert, nice to meet you" sagot ng bata
May bigla akong naalala, yung batang mahimbing na natutulog na nakita ko nuon sa mansyon sa Baton Rouge, pero paanong..... At kapatid sya ni Michael?!
Nagpasya akong kausapin sya tungkol dito
"Hi" bati ko kay Albert
"Kilala kita ate, nakita kita" sagot nya sakin
"Gusto mo bang mag kwento o sumagot sa mga tanong ko? Kung ayaw mo ayos lang din naman" saad ko
"Si kuya Michael, umalis sya ng bahay na yun nung nalaman nya kung anong nangyayari dun. He is my half brother, yung babaeng pinatay mo, she's my mom. Salamat ate, gustong gusto kong gawin yun pero hindi ko pa kaya" lumuluhang salaysay ni Albert
"Ayos ka lang ba? Wag ka nang umiyak. Halika igagawa kita ng snack" hinawakan ko ang braso nya pero mukhang nasaktan sya
Inirolyo ko pataas ang manggas ng suot nyang long-sleeves at nakakita ng ilang peklat, mga sugat at mga pasa
Hinubad ko narin ang damit na suot nya, pati sa likod at katawan nya ay may mga pasa at peklat sya
"Sinong may gawa sayo nito?" gigil na tanong ko
"Wala na sya ate, patay na. Pwede ba secret nalang natin to kay kuya?" nakangiting sagot nya
"Sige, pero pwede ba secret nalang din natin yung nalaman mo tungkol sakin?" saad ko
"Sige" nag pinky swear kami at ipinagluto ko sya ng corndogs
"Ate ilang taon ka nagsimulang pumatay?" naibuga ko yung iniinom kong kape
"Bata ka wag kang maingay, 13 ako nun" sagot ko
"Don't worry no one else is here, I can sense if someone else is here" kampanteng salaysay nya
Pero mali sya, kanina pa nakikinig samin si Jim, nararamdaman ko sya at naaamoy ko din ang cologne na gamit nya pati marahang paghinga nya naririnig ko
Napukaw ang pag iisip ko ng bigla nanaman nagsalita si Albert
"Ate turuan mo akong pumatay" nanlaki ang mata ko sa narinig ko
"Hoy hindi yun laro" inis na sabi ko
"I know. I don't want to be a coward anymore" nakayuko sya at naka kuyom ang mga kamao
"Albert, hindi sa pagpatay nakikita ang katapangan ng isang tao, your will to fight is enough proof na hindi ka duwag" paliwanag ko
"Pero hindi ko nagawang lumaban, because I don't know how to" gigil padin sya
Di nag tagal ay napapayag din nya akong turuan sya
Tarantadong bata yun ang lakas mang blackmail
Kung hindi ko lang talaga crush ang kuya nya malamang itinapon ko na sya sa basurahan
"Tuturuan mo ba talaga ang batang yun?" seryosong tanong nung kumag
"Yeah" sagot ko
"Dalawa tayong magturo" medyo nagulat ako sa sinabi ni Jim
Ano nanaman kaya ang iniisip ng lalakeng yun?
Magiging hired killer din kaya ang batang yun?