“HOW DID HE ESCAPE?” Umalingawngaw ang malamig na boses sa buong conference hall habang halos mayanig ang sahig sa lakas ng pagkakabayo ng boss nila sa mesa na ikinatahimik ng lahat. Walang gustong gumalaw lalo pa at nasa ibabaw ang baril ng amo na halatang anytime soon may matutumba isa sa loob ng hall na iyon. Walang gustong huminga nang malakas lahat nakayuko ang ulo. Muling umayos ng upo ang Black Lotus Boss habang nakapatong ang isang folder sa harap nito at sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon. Ramdam ng buong silid ang galit nito, dalawampung tauhan patay sa isang operation na bumagsak at mas malala? Nakatakas ang subject not just any target. A Van Amstel. “Magsalita ka.” Napayuko agad ang kanang kamay nito. “The transfer team was intercepted.” “By who?” “Unknown.” w

