FALLING INLOVE WITH ENGKANTO
CHAPTER 4
FREEDOM
LUMIPAS ang Isang linggo ni Hamad sa Bahay ni Zooey. dahil yon Ang gusto ng dalaga at Wala pang alam si Hamad sa Mundo ng mga tao, Baka mapahamak lang ito kaya nag desisyon si Zooey na sa Bahay lang niya si Hamad pansamantala habang hinahanap nila nanay nito at para may Kasama nadin siya.
Sinabi na din ni Hamad sa kanya Ang dahilan Kung bakit siya umalis sa palasyo nila, Naintindihan Naman iyon ni Zooey dahil nangulila lang ito sa Ina at handa niya itong tulungan makabawi man lang sa pagtulong nito nong sa kagubatan Sila.
Sa Isang linggo nilang pagsasama mas na Kilala niya si Hamad, Hinangaan niya ito dahil kahit Hindi niya ito kauri para parin itong tulad nila na tao na mabait, halos na sa kanya na lahat bonus na siguro Ang pagiging gwapo nito.
Nong una na iignorante si hamad sa mga gamit ni Zooey sa Bahay, Sa mall naman Ganoon din Hanggang palagi na niya itong pinapasyal at unti unti na itong nasanay sa mga Gawain at sa mga paligid .
"Wow Masarap na Ang dali mong matuto ah" Ani zooey pagkatapos tikman Ang nilutong ulam na sinigang ni Hamad.
"Syempre tinuroan mo ako at saka gusto ko talagang matutunan to, Favorite ko Kasi ehh,"ngiting sabi ni Hamad sabay patay sa gas stove.
"Hmmm Marami pa akong ituro sayo para mapag luto mo Ang mama mo ng mga ulam"
"Talaga..sabi mo ah" Na nag ready na ng mga pinggan sa mesa para sa dinner nila.
"Hamad, Anong feeling na andito kana sa Mundo namin?"
Natigil naman si Hamad sa ginagawa at umupo sa tabing upuan nito.
"Masaya... Kasi Malaya ako at hindi tulad sa palasyo na nakakulong na parang bilanggo -alam mo ba nong nagkita Tayo sa kagubatan tumakas lang ako non"
"Pero pinoprtektahan ka lng ng ama mo Hamad,ayaw ka lng niyang mapahamak."
"Alam ko naman yon zah, May pagkakataon lang talaga na somosobra na sya at nagawa pa niyang mag sinungaling Sakin" Anito sa malungkot na boses.
"Naintindihan kita Hamad pero kahit Ano pa Ang kasalanan ng ama mo -ama mo parin siya at sigurado ako na may dahilan siya Kung bakit siya nag sinungaling sayo" Ngiting sabi Zooey sabay hawak sa kamay nito.
Tumango lang si Hamad at ngumiti din Kay Zooey.
"Salamat. Sa pag papalakas ng loob ko za. Hindi ko kanyang mag isa pag Wala ka" tanging nasabi niya.
Tila parang musika Ang pagkarinig ni Zooey ng salitang yon galing Kay Hamad, Hindi niya alam Anong i react dahil sa pagtitig nito sa kanya ng madiin at parang may butterfly sa loob ng kanyang tiyan na lumilipad.
Unti unti ng lumapit Ang Mukha ni Hamad sa kanya Hindi na niya iyon hinintay dahil sa pagkailang niya dito.
"Gutom na ako,kain na Tayo habang mainit pa Ang adobo" sabay Tayo at kumuha na ng kanin
"Adobo? sinigang niluto ko za" Konot noong saad ni Hamad.
Hindi naman naka imik si Zooey nalusotan na niya kanina namali naman siya Ngayon. kinikilig ka Kasi! pikit na saad niya sarili.
Lumingon siya Kay Hamad na pekeng ngiti.
"Sinigang nga...yon nga sabi ko. Bingi ka lang" Pagdadahilan niya habang nilapag Ang kanin sa mesa.
Napa upo naman si Hamad na nagtataka sa kinikilos ni Zooey, Hindi Kasi ito mapakali pagkatapos nong nangyari kanina na muntik na Silang magkahalikan.
***
Excited bumangon si Zach dahil ngayon Ang launching nila at ok na lahat dahil Kay Zooey. Isa Ito sa na gustohan niya sa secretary niya dahil hands on ito sa trabaho at sinisigurado na ok lahat bago Ang event.
Walang nakaka alam sa kanyang nararamdaman para Kay Zooey, Hindi niya pinapahalata na importante Ang dalaga sa kanya Basta masaya na sya na nakangiti ito at sa roses na binibigay niya Araw araw.
Maraming mga tao Ang dumalo sa launching ng ZV Perfume Company at Marami din Ang excited sa bagong perfume na ilalabas niya bukod sa napakabango Hindi din nawawala sa damit 24hrs.
"Hamad Dito ka lang hah, Magsisimula na Kasi at wag Kang aalis dyan. Babalik ako" Paalam niya Dito tango lang tugon ni Hamad sa kanya dahil abala ito sa nakikita sa paligid.
Sinama niya si Hamad at siya narin Ang bumili ng suit nito para presentable naman ito tingnan Hindi nga siya nag kamali na bilhan ito ng masusuot dahil mas Lalo itong gumwapo.
Gusto niya kasing ma expose at masanay si Hamad sa mga tao kaya niya ito dinala para na Rin Malaman nito Ang trabaho niya.
Naka upo lang siya sa bilog table na may mga wine at mga pagkain, Marami ding mga tao ang paligid.
Natigilan lang siya ng nakatingin si Clark,Shane at Lia na nakaupo din sa harapan ng mesa na nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Hmmm magandang umaga binibini at ginoo" Bati niya Dito sabay Yuko, Ganon Kasi sa kanilang palasyo kapag Sila bumabati.
"Nakakaloka, Putok nanga make up ko sa kakapal tinawag pa akong ginoo. Tadyakan ko kaya ‘to." Nag pout na sabi ni clark, Akma Sana itong tatayo ng pigilan ni shane at Lia na pigil Ang tawa.
"Huwag mo na ngang patulan, Nag sasabi lang naman siya ng totoo ehh" Tawa sabi ni Shane.
"Isa ka pa." Sabay batok ni Clark Kay Shane.
"Aray!"
Ngumiti lang si Hamad sa kanila na kinakilig naman nila Shane at Lia, Kung nakaka hulog lang ng panty Ang kagwapohan nito kanina pa nahulog Ang kanilang mga panty.
Tumahimik lang Sila ng mag speech na si Zach, Tumingin si Hamad sa stage para tingnan Kung sino Ang nagsalita. Nakita niya si Zach at tinitigan ito ng mabuti.
Nagpalakpakan Ang mga tao pagkatapos ng speech ni Zach at masayang masaya Rin Ang mga bisita dahil isa isa Silang binigyan ng regalo ni Zach ng perfume na bagong launched nila pati mga empleyado niya binigyan nadin.
"Pasensya ka na Hamad hah,ganito Kasi trabaho naman Dito -kumain kana ba?" Tanong niya Dito sabay upo sa tabi ni Hamad, Nangangalay Kasi paa niya sa heels.
"Naintindihan ko Zalliya, Tapos narin akong Kumain Masarap Kasi pagkain nila" Anito sa malambing na boses na ikangiti ni Zooey.
"hmmm ipakilala mo naman kami sa boylet mo Miss Zooey" Sabat ni Clark sa kanila na parang nagtatampo.
"Oo nga, Nakaka tampo Hindi man lang sinabi na may bf na" Tampo ni Shane
"Nag ka boyfriend lang nakalimutan na kaming pansinin."
"Ang Dami niyong sinabi, Siya si Hamad kaibigan ko - Hamad mga kaibigan ko din si Clark,Shane at Lia" Pag pakilala niya.
"Hindi mo siya Boyfriend" si Lia.
"Hindi. Bakit ba?" Tanong niya.
"Hala may chance" Tili ni Shane.
"Hindi kayo bagay, kami Ang bagay" Sabat ni Clark habang nag pa cute Kay Hamad.
"Heh Mukha Kang engkanto...Hindi magka gusto sayo si Hamad" kontra ni shane
Napalaki naman ng mata si Zooey Kay Shane dahil sa sinabi nito at tumingin siya Kay Hamad na tumawa lang.
"Shhhh bibig niyo! Huwag niyong isali Ang mga engkanto ah baka nasa paligid niyo lang Sila. baka pagtripan kayo, at saka sa pagkaka alam ko Hindi Sila masama" pag tatanggol niya.
Nagka tinginan naman Ang tatlo sa sinabi ni Zooey sa pagkaka alam Kasi nila ito Ang Hindi naniniwala sa mga engkanto Ngayon pinagtatanggol pa niya.
Ngumiti lang at tumango si Hamad ng tumingin si Zooey na humihingi ito ng sorry.
***
Tahimik si Zach na nagmamasid sa mesa nila zooey na nagtatawanan Ang ikinaiinis niya ay yong Kasama ni Zooey. Nakikita Kasi niyang tinitigan ni Hamad si zooey ng Hindi nito alam.
Kaya agad siyang tumayo at lumapit sa mga ito.
"Hi" Anito sa seryosong tinig at titig na titig Kay Hamad.
"Sir Zach, Congratulations po." Bati ng tatlo sa kanya.
"Thank you and congratulation also with you, I cannot do it without you, especially you miss Zooey." Baling niya sa secretary niya.
Napa awang naman Ang bibig ni Zooey, at ilang sandali napangiti.
"Ginagawa ko lang ng maayos Ang trabaho ko sir Zach -hmmm siya po Pala si Hamad kaibigan ko." Pag pakilala niya.
Nilahad naman ni Hamad Ang kanyang kamay Dito at matagal bago nito kinuha.
"Nice meeting you, Hmm..can I borrow miss Zooey for a while?" Paalam niya sa kaibigan nito
Tango lang tugon nila Clark, at sinundan naman ito ng tingin ni Hamad Iba Kasi pakiramdam niya Kay Zach parang konektado siya Dito na Hindi niya maipaliwanag.
***
Dinala siya ni Zach sa rooftop ng building at kalmado itong tumingin sa kanya"Sir Zach, Anong paguusapan natin?" Tanong niya Dito ng makarating Sila sa rooftop.
"Who is that man?!" Kalmado pero galit Ang Tono ng boses nito.
"Hmmm....k...kaibigan ko nga po sir Zach,...pinakila.." Hindi niya tinapos ng binara na siya nito.
"Just a friend Miss Zooey?!, Kung maka titig sayo kulang nalang matunaw kana!" Anito na ikanagulat niya.
"Teka Teka....bakit kaba nagagalit sir, Ano naman sayo Kung nakatitig siya Sakin Wala namang masama don.. Kung ganyan lang naman paguusapan natin aalis na ako!" Aniya sa inis na boses at tumalikod.
"He still leaves in your house!" Habol nitong sabi.
Kaya lumingon siya na may halong galit.
"Saan mo naman nalaman iyan, Stalker kaba!?"
"Hindi importante iyon, I just want to know why he's fine sleeping at your house."
"Kaibigan ko si Hamad And I help him he find his mother at Wala siyang matirahan kaya sa Bahay ko siya natutulog" aniya, naiinis na Kasi siya Kay Zach.
"Impossible...yon Ang sinasabi ng karamihan pag may tinatago" sigaw din nito.
"10 years akong nagtatrabaho sa Inyo sir Zach kahit suplado ka istrikto seryoso,walang emosyon, ni Hindi ko nga alam Kung alien kaba na walang pakiramdam pero pinakisamahan kita dahil boss kita, Hindi ko lang akalaing mababa Pala tingin mo sakin, Hindi ko ipipilit sayo para maniwala ka sa sinasabi ko Basta malinis Ang konsensya ko at Hindi ako tulad ng nasa isip mo!" Naiiyak na sabi niya at umalis.
Nahilamos naman si Zach Ang mga kamay sa Mukha sabay buntong hininga. Hindi niya sinadya na masabi yon nabigla lang siya.
Napaka inutil mo Zach! Sigaw ng kanyang isip.
***
MASAYANG nag kokwentuhan Sina Clark,Shane at Lia pati na Rin si Hamad, ng biglang dumating si Zooey galing sa pagiyak.
"Miss Zooey ok ka lang? Anong nangyari?" pag alalang Tanong ng mga kaibigan niya.
"Ok lang ako, pagod lang" pinilit niyang mag salita para Hindi lumabas Ang mga uha na kanina pa niya piniligilan.
Hinawi naman ni Hamad Ang pisngi ni Zooey patungo sa kanya at Hindi niya maiwasang masaktan dahil sa luhaan nitong mata.
"Gusto mo ng umuwi, Para maka pagpahinga ka?" Sabi nito
Agad naman siyang tumango,
"Maiiwan na Muna namin kayo, Pasensya na gusto ko lang magpahinga" Paalam niya sa mga kaibigan niya.
"No problem miss Zooey. ingat kayo." Paalam din ng mga ito.
"Ano kaya nangyari sa pag uusap ni sir Zach?" Tanong ni Lia.
"Puntahan mo si sir Zach at tanongin mo ano Ang nangyari baka Sabihin sayo." Birong sabi nito.
"Heh Aswang ka" Tawang sabi naman ni Lia.
Hindi na masakit sa kanila Ang mga sinasabi nila sa isa't isa para na Kasi Silang magkakapatid na nag aasaran at tinatawanan nalang Kung ano Ang masasakit na salita .
Itutuloy…