Tahimik lang nakatingin ang batang Avery sa tatlong tao na nakasuot ng kulay itim habang ang mga magulang niya ang nakahandusay sa sahig.
Nag-aagaw buhay ang kanyang mga magulang, halos hindi na makita ang makintab nilang tiles na kulay puti dahil napalitan iyon ng kulay pula. Pula—na nanggaling sa dugo ng kanyang mga magulang.
Walang emosyon sa kanyang mata habang kumikinang ang kanyang mata dahil sa reflection ng dugo. Hindi siya makasigaw man lang o makahingi ng saklolo dahil parang nawala na ang lahat ng kaba niya niya.
Tinatanong niya sa kanyang isipan kung normal bang gawain ng tao ang ganito? Halos wala pa siyang pag-iisip para masaksihan ang bagay na ito.
Samantala, kahit na nag-aagaw buhay ang kanyang ina ay maingat niyang tiningnan ang kanyang anak na nakasilip sa pintuan ng kwarto kung saan siya nagtatago. Malungkot itong ngumiti sa kanyang anak, masyado pang bata ang kanyang anak para masaksihan ang lahat ng ito. She was just four years old and she's witnessing this kind of scene!
“I love you.” She mouthed to her daughter. Samantalang wala pa rin reaksyon si Avery habang hawak-hawak ang kanyang kulay brown na teddy bear.
“Mas maganda siguro kung makita natin ang kanilang mga laman! Pwede pa natin itong pagkakitaan!” Nakangiting sabi ng lalaki, nakita ni Avery kung paano ito ngumiti pagkatapos niyang sabihin iyon.
Agad na sumang-ayon sa kanya ang dalawang kasamahan nito na tila sabik na sabik magkaroon ng pera gamit ang lamang-loob ng ibang tao.
Sunod na narinig ni Avery ay ang nakakabinging sigaw ng kanyang magulang bago sila mawalan ng malay. May kaunting patak ng luha ang tumulo galing sa kanyang mata habang pinagmamasdan ang kanyang mga magulang na walang kamalay-malay.
Maliban sa sigaw ng kanyang magulang ay narinig niya rin kung paano tumawa ang tatlong demonyo na tuwang-tuwa dahil nalagutan na ng hininga ang dalawa.
Sinimulan na ng isa na hiwain ang gitnang bahagi—sa may bandang tiyan ang ina ni Avery. Para itong isang hayop na takam na takam sa perang maari niyang kitain kapag binenta ito.
Parang camera ang mata ni Avery dahil nakikita niya kung anong kababuyan ang ginagawa sa kanyang magulang. Kitang-kita niya kung paano kinuhanan ng lamang loob ang kanyang magulang.
Kaya simula noong araw na iyon ay tuwang-tuwa na siya kapag nakakita ng baboy na kinakatay o kaya naman ay mga hayop na nakahandusay sa sahig.
Kung minsan ay siya pa ang pumapatay sa walang kalaban-laban na pusa tiyaka ito tatawa dahil nakita na niya ang dugo na dumadaloy sa kanyang kamay galing sa pusang kanyang pinatay.
“Ah!!! Monster!!!” Sigaw ng batang nakakita sa kanya kaya tiningnan lamang siya ni Avery na may pagtataka sa mata.
“Wala naman nakakatakot?” Bulong niya sa kanyang sarili tiyaka kinuhanan ng picture ang pusa na nasa kanyang kamay na ngayon ay halos hindi mo na makita ang totoong kulay ng pusa dahil nabalutan na ito ng dugo.
Tumatawa pa siya habang tinitingnan ang picture sa kanyang cellphone, hawak niya ito sa kaliwang kamay niya na malinis at walang bahid ng dugo. Ang kanang kamay kasi niya nababalutan na ng dugo.
Tinapon na niya ang pusa kung saan tiyaka nagtingin ng malapit na faucet para malinisan ang kanyang kamay. Sa kanyang pagtayo ay nakita niya ang batang lalaki na nakatingin lang sa kanya.
Bahagyang tinabingi ni Avery ang kanyang ulo para tingnan mabuti ang lalaki tiyaka niya ito tinaasan ng kilay pagkatapos ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi para asarin ang batang lalaki.
Kahit hindi pa naka depina ang ang adam's apple ng lalaki ay pansin nito ang paglunok tiyaka nag-iwas ng tingin sa kanya, aksidenteng nakita ng lalaki ang maliit na kutsilyo sa kanang kamay ni Avery, iyon ang ginamit niyang pang patay sa kawawang pusa kanina at kita pa rin ang dugo na nasa kanyang kamay. Agad ulit na nag-iwas ang batang lalaki tiyaka kinakabahan na naglakad paalis, muntik pa siyang madapa kaya malakas na natawa si Avery.
Dahil nasa parke siya ay may faucet naman doon para maghugas kaya pinaandar na niya ito nang mahugasan na niya ang kanyang kamay. Sa pagdaloy ng malinis na tubig sa kanyang kamay ay nagiging kulay pula ito dahil sa dugo at masaya iyong sinisilayan ni Avery.
“Weird.” Bulong niya sa kanyang sarili. “Why are they scared of blood?” Takang tanong pa niya. She's already eight years old, ang mga kasing-edad niya ay natatakot sa kanya o kaya naman ay tinatawag siyang halimaw lalo na kapag nakikita nila itong pumapatay ng hayop.
“This is just normal, isn't it?” Pagtatanong pa niya sa sarili niya. Tiyaka napatango at napangiti dahil hindi normal ang mga kasama niyang bata.
Ganon ang paniniwala niya habang lumalaki si Avery, na normal lang pumatay ng isang hayop o di kaya ay makakita ng dugo. Kung ang nga normal na bata ay kasiyahan ang bagong laruan, kasiyahan niya na makakita ng dugo ng mga hayop.
Wala siyang naging kaibigan dahil ayon sa mga bata ay isa siyang weirdo o halimaw, walang nagbalak na maging kaibigan siya hanggang sa pinakilala ang babaeng anak ng kanyang yaya na kasing-edad lang din naman niya.
“Hello! Ako pala si Lindsey!” Magiliw na sabi ng anak ng yaya niya tiyaka inabot ang kanyang isang kamay bilang pormal na pagpapakilala pero iba ang nakakuha ng atensyon ni Avery.
Hindi sa kamay na nakalahad sa kanyang harapan siya nakatingin kung hindi sa isa niyang kamay na may yakap-yakap na tuta. Parang nagliwanag ang kanyang mata habang ini-imagine kung paano niya papatayin ang walang kamuwang-muwang na tuta.
“Avery pangalan mo diba?” Tanong ni Lindsey kay Avery dahil hindi sumagot si Avery at nakatingin lang sa tuta ni Lindsey.
Abot sa tenga ang ngiti ni Lindsey dahil sa excitement na namumuo sa kanyang isipan na magkakaroon na siya ng bagong kaibigan.
“Oo.” Nawirduhan si Lindsey sa ngiti ni Avery habang nakatingin sa kanyang tuta. Masaya naman niya itong itinaas dahil sa tingin niya ay magkakasundo sila dahil pareho silang mahilig sa aso o ano mang hayop.
“Gusto mo rin bang mag-alaga ng tuta? Si Browny ito!” Masayang sabi ni Lindsey sa kanyang kaibigan tiyaka tinapat sa mukha ni Avery ang tuta.
Halos magnigning ang mata ni Avery sa tuta.
“Wait, I'm gonna get something inside.” Paalam ni Avery para kunin ang pocket knife niya sa kanyang kwarto.
Excited na siyang makita ang dugo ng tita ni Lindsey kaya halos takbuhin niya ang malaking bahay ng kanyang lolo para makapunta sa kanyang kwarto at makuha na niya ang kanyang pinakamamahal na bagay.
Samantalang, nagtataka naman si Lindsey sa biglaang inasal ni Avery. Nasa likod bahay kasi sila, umupo na lang si Lindsey tiyaka binitawan ang kanyang alaga. Masaya niya itong tinitingnan na naglalakad sa malawak na yard.
Bumaba si Avey habang tinatago ang kanyang pocket knife sa tabi. Kaagad siyang sinalubong ng matamis na ngiti ni Lindsey kaya bingyan niya rin ito ng matamis na ngiti. Pero hindi mapaliwanag ni Lindsey kung anong nararamdaman niya sa ngiti ni Avery.
“Gusto mo bang makakita ng maganda?” Kumunot ang noo ni Lindsey sa tanong ni Avery. Kinuha ni Avery ang tuta, dahil bata ay hindi pa ito nanlaban man lang.
“Maganda si browny? Gwapo siya, lalaki siya.” Pagsalungat ni Lindsey kay Avery pero ngumiti lang ito tiyaka mabilis na sinaksak ang tuta.
Napapikit si Lindsey dahil sa nangyari pero lalong lumawak ang ngiti ni Avery sa ginawa niya, isang iyak ang pinakawalan ng kawawang tuta bago ito nawalan ng malay.
“Ang cute!” Natatawang sabi pa niya pagkatapos ay kinunan niya ito ng picture. Hindi mawawala iyon kapag pumapatay siya ng hayop.
Parang naging koleksyon na niya iyon. May printer siya sa kanyang kwarto kaya minsan ay pinprint niya ito. Bumibili pa talaga siya ng photo paper para lang maganda ang quality ng mga pictures na iyon.
Gulat at nginig sa takot si Lindsey dahil sa nasaksihan hindi niya inaasahan na gagawin ni Avery iyon. Wala siyang magawa kung hindi umiyak dahil sa takot at dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang alaga.
Dahil don ay nalaman ng kanyang lolo ang ginagawa niya. Kaya pumunta sila sa doctor para ipatingin ang kanyang apo.
At the age of fourteen, Avery was diagnosed with a mental disorder called psychopath.