CHAPTER 68 (Part 2) Kahit na nasa loob na si Avery ay hindi pa rin makapaniwala si Oliver na kasama niya ngayon ang dalaga na nagdadalawang isip pa siyang subukan na tingnan ang mga social media nito. Hindi na niya kailangan pang tingnan kung ano na ang nangyayari sa dalaga dahil nasa harapan na niya ngayon. Manghang-manghang pinapalibutan ni Lianna si Avery na hindi pa rin makapaniwala katulad ng kanyang kuya. Nagpanggap naman si Avery na para bang nawiwili siya sa reaksyon ni Lianna pero ang totoo ay naiinis siya sa reaksyon nito. Parang ang tagal naman niyang i-process sa kanyang isipan na nandito siya sa kanilang bahay. Habang si Oliver naman ay nagtitingin sa mga dala niyang paper bag na inabot sila ng ilang minuto bago maipasok lahat ng iyon. Sinusuri ni Avery ang mga pinambibil

