CHAPTER 67 (Part 3) Sa buong holiday break ay hindi kailanman nagkita sina Avery at Oliver. Hindi alam ni Oliver kung dapat niya bang ipagpasalamat iyon o hindi dahil nakakaramdam siya ng puwang sa kanyang puso dahil lang sa hindi niya pagkita kay Avery. Pero hindi niya hinayaan na ituon ang kanyang isipan doon sa halip ay mas tinuon niya ang kanyang atensyon sa pagtatrabaho dahil alam niyang masama sa kanyang isipan si Avery. Hindi niya alam kung anong ginawa sa kanya ng dalaga para mabagabag na lang siya nang ganoon na hindi niya pa kailanman naranasan sa tanang ng kanyang buhay. Samantala, masayang namamasyal sa France si Avery dahil iyon ang regalo ng kanyang lolo sa kanya. Pangalawang beses na niyang pumunta dito, gusto niya lang ulit umilit dahil trese anyos pa lang siya noong una

