Mangha na nakatanaw sa bintana si Rose nang makapasok ang sasakyan namin sa malaking gate pauwi ng bahay. “Palasyo ba ang tinitirhan mo?“ Tanong nito kaya tumawa lang ako. “Ang lupain na ito ay pagmamay-ari ng mamang nagda-drive sa atin.“ Sabi ko na lang dito kaya napatawa si Kuya Dylan. Nagpaliwanag ako dito na si Anton ang may-ari ng pribadong lupain na ito at ang pinakabahay namin ay isang malaking mansyon. Nang malapit na kami sa bahay ay lalo lang lumaki ang mga mata ni Rose at hindi talaga ito makapaniwala. “If you will see Dylans mansion in New Zealand this place is nothing Rose.“ Sabi ni Anton dito nang makababa na kami kaya tumawa na naman si Kuya Dylan. “It's my parents house pare it's not mine.“ Sabi na lang nito na kinuha sa likod ang bag ni Rose. Oo nga pala ni isang da

