Nagising ako na hinahalikan ako ni Anton sa noo kaya napangiti ako. “Aalis na ako mahal ko.“ Bulong nito kaya napamulat ako kaya napatango lang ako. “Uwi ka agad tapos tumawag ka kapag nasa Italy ka na.“ Inaantok ko na sabi dito kaya tumango lang ito. Isang bag lang ang dala nito dahil ayaw niya ng maraming bitbit kaya ito ilang piraso lang ng damit ang inempake ko sa kanya kagabi. Nakatulog ulit ako ng makaalis ito at hindi na ako nito pinabangon dahil maaga pa. Nang magising ulit ako ay alas-otso na ng umaga kaya nandito na sa kwarto ko si Liam at ang kambal. “Good morning po Tita Bell.“ Bati ng dalawa kaya napangiti ako. “You should talk now Liam para mabati mo rin si tita.“ Sabi ni Aly dito ang isa sa kambal kaya napangiti ako lalo. Nang tignan ko ang cellphone ko ay may mensah

