Umalis ng maaga si Anton na halos ayokong bitiwan kaya medyo natagalan pa ito. Sinundo ito ng isa pa sa kaibigan nito na isang piloto at hindi ako makapaniwala na ang helicopter na ginamit nito ay pag-aari ni Anton. Umiiyak ako na tinanaw na lanb ang helicopter na sakay si Anton pero pinagsabihan ako ni Ate Fatima na hindi ako dapat umiyak. Trabaho ang pupuntahan ni Anton at babalik rin ito agad at kapag natapos iyon ay uuwi rin ito. Ikakasal pa nga kami kaya excited ako at gusto ko na lang na mabilis dumaan ang araw. Ngayong araw rin ang pasok namin ni Rose kaya kabado kami pareho, pero exam lang naman ang dahilan kaya kami papasok at dalawang araw na rin naman iyon. Hinihintay pala ako ni Rose sa bungad ng hagda at hindi pa ito bumababa kaya napangiti na lang ako. “Kahapon ako ang

