LORIEBBY

835 Words
"Ba't ka ba punta ng punta dito? T*ngna! B*bo ka ba? Hindi mo maintindihan na Ayoko na sa Iyo! AYOKO NA!" Kailangan kong ipakita kay Lorie ang pagiging demonyo ko para lang saktan ito ng todo. Halos mapunit ang puso ko sa pag-iyak nya, pero pakialam ko ba! Nakahinga ako ng maluwag, nang sya'y umalis hila ang buntot na bahag. Kahit likuran lang ni Lorie ay napapagto ang aking paghinga, ganun sya sa puso ko kahalaga. Magkababata kami ni Loriebby, sa Pretil, laking palengke. Pwesto ng lola nya ay plastic, sa tapat ay tindang ulam ni nanay, Sarap walastik! Wala si Loriebby sa aking radar, nagkakitaan na kami ng uhog at h***d na katawan, kaasar! Mas trip kong gumala at maging batang hamog, kahit pilitin ni inay na ako'y mag-aral para may maihambog. "Ikaw man lang ay makatapos sa pamilya natin...". Sabi pa nya. "Nyek! Magtatapos pa eh kaya ko namang kitain ang pera." Una laro lang sa kalsada, pulot basura, hanggang maging runner ako ni Totoy Budah. Minsan di maiwasang mapa-trobol, Wala eh, napapasama talaga sa rambol. Muntik na ako isang araw, hinabol tropa ko nila Sarhento Bantag, mga bwakaw! Buti nasalubong ko si Lorie, hinatak ko sa iskinata, isinandal sa pader na akala mo ay kama. Kunyari syota ko sya at Doon kami inabutan ng halikan, kapal! Sumilip si Sarhento, pero Rinig kong dumura lang, k*pal! Papalag sana si Lorie pero tinitigan ko sya sa mga mata. "Ngayon lang Loriebby..." sabi ko sa kanya. "Please..." pagsusumamo ko "Pramis, babawi ako sa iyo..." First time naming nagpansinan, simula nung mga bata kaming sabay nalliigong hubo't h***d sa ulanan.  Ngayon ko lang rin sya natitigan, meron ba itong nabilhan ng kagandahan? P*tsa! Hindi na uhugin ang noo'y batang negra, Anong pinagpapahid nito sa katawan at biglang kuminis sya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg nya para itago ito sa mga pulis Sh*t ang bango-bango nya, ramdam ko ang aking pagtulis. "Salamat!" Sabi ko habang nakatitig sa tulala nyang mukha Ayaw ko pang umalis pero wala akong choice, p*tsa! Simula nun, Panay ang tanaw ko sa plastikan, sinisilip kung umuwi na si Loriebby galing paaralan. Bigla Akong nainggit na sya ay sa kolehiyo nag-aaral, dyahe pero pwede nya kaya akong maging mahal? Tyempo, nakita ko syang naglalakad pauwi, suot ang sexy nyang uniform na medyo maikli "Bayaran ko na ang utang ko sa iyo...". Bigla biglang sabi ko "Ay yaya mo!" Ang cute ni Loriebby magulat, simula nun palagi ko na syang buhat-buhat. Sakay ng aking bisikleta ay lagi ko syang angkas, wag lang daw mahuli ng lola nyang Sobrang angas. Ewan pero parang nagkakulay ang mundo ko, mas lalo akong ginanahang itaguyod si Loriebby, desidido! Nang binigay nya sa akin ang kanyang p********e, sh*t ang dami kong naikama, pero sa kanya ko lang Tunay na pagmamahal ay nadama. Kasi tinaggap nya ang loser na ako, binigay ang virginity at gawing akin ang kanyang mundo. Isa lang ang Hiling nya sa akin, magbagong buhay, tigilan na ang barkada at bumitaw sa grupo ni Totoy Budah. Syempre, oo ako, para hindi na namin laging pag-awayan, buhay ko daw na walang direksyon at patutunguhan. Kaso pinagbabaril ang nanay ko ng kabilang grupo. Sa galit, pangako kay Loriebby ay nalimot ko. Buhay kapalit ng buhay, inubos ko ang tumira sa aking nanay. Yun bagsak ko ay kulungan, anong dapat asahan? Kasalanan ko rin pero di ko maamin, kapalit ng malaking pera naging isa akong riding in tandem. "Ba't ka ba punta ng punta dito? T*ngna! B*bo ka ba? Hindi mo maintindihan na Ayoko na sa Iyo! AYOKO NA!" Pinagmumumura ko talaga si Loriebby sa tuwing ito'y dumadalaw sa kulungan. Hirap ba nyang maintidihang, hindi ako karapat-dapat pansin nya ay pag-aksayahan? Sa huli ay hindi na ako lumalabas sa Selda sa tuwing dinadalaw nya. Pero sa totoo, durog na durog ang puso ko at kaluluwa. ****** "Tol, kinasal na at may anak sa Germany...". Ito ang huling balita sa akin ng pinsan ni Lorie na si Jeremy. Syempre halughol ako nung gabi, yakap ang malamig kong Selda, tulo uhog ko, grabe! ****** "Nagpunta lang ako dito dahil gusto kitang murahin hayop ka! Mamatay ka na sana! Anong ginawa mo sa apo kong nananahimik para abutin ang mga pangarap nya?!?" Bulyaw sa akin ng galit na galit na lola. "Patawad po, mahal na mahal ko ang Apo nyo...".  "Sinira mo ang buhay nya dahil sa g*gong pagmamahalan nyo!" "Lola, delikado ang buhay ni Loriebby, papuntahin nyo sya sa mama nya, sa Germany" Ginastusan ko ang lahat, Sinabi ko lang kay lola na wag nang kay Lorie ay ipagtapat. Buhay ang kinuha ko, buhay din ang gustong kapalit, Ganito talaga ang totoo sa kwento ko, puros pait. Nakahinga lang ako ng nasigurado kong ligtas si Lorie sa Germany At ngayon nga makalipas ang Ilang taon, meron na raw itong baby. ****** Hinimas ko ulit ang malamig kong Selda, sa pag-iimagine sa mga gabing kasama ko si lorie, ay sapat na. Doon na lang ako Nabubuhay, lalo't ang sentensya ko ay panghabambuhay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD