Episode 2: Mature

1745 Words
“Anak, bumangon kana diyan at baka ma-late ka pa sa pagpasok mo sa school.” sabi ni mama habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto. “Opo, lalabas na po.” sagot ko sa kaniya, habang nakapikit pa ang aking mga mata. Narinig ko ang mga yabag ni mama na paalis ng aking kwarto. Tinignan ko ang aking alarm clock at nakitang 5:35 pa lang ng umaga. Imbes na bumangon ako ayon sa utos ni mama ay bumalik ako sa pagkakatulog. “Anak …..’’ ulit niyang tawag sa akin nang napansin niyang hindi pa ako lumabas sa aking kwarto pagkalipas ng limang minuto. Ngayon ay tuluyan na siyang nakapasok sa aking kwarto at tinatanggal nito ang kumot na nakatalukbong sa aking mukha. “Mama naman eh. 5:40 pa lang po ng umaga.” sabi ko sa kanya nang tinignan ko ulit ang aking orasan. “Oo alam ko, pero alam mo rin bang mas mabilis kumilos ang orasan kasya sayo Maqui?” sabi ni mama habang hinahawi nito ang kurtina sa aking bintana na naging dahilan upang mas lalong lumiwanag ang aking kwarto. Binuksan niya rin ang bintana na siyang naging dahilan upang makapasok ang pang-umagang hangin. “Mama, isang pong bagay ang orasan at isa po akong tao.” sabi ko sa kanya. “Tama ka.” pagsang-ayon ni mama sa akin. “Pero parehas lang kayong kailangan ng malakas na enerheya para gumalaw.” sabi ni mama na nagpalito sa akin. I stared at her. Napansin ni mama ang katanungan sa aking mukha kaya sinagot niya ito ng walang pag-aalinlangan. “Ang orasan ay kailangan ng battery para gumalaw, ikaw kailangan ng sigaw ko para kumilos.” sagot niya. “Mama na naman eh.” naiinis kong sabi sa kanya. “Tignan mo.” sabi ni mama sabay turo niya sa orasan ko. “Para malaman mong tama ang pinagsasabi ko.” dagdag niya. Kahit naiinis ay tinignan ko ang aking orasan. It’s already 5:44 in the morning. Umirap ako sa kawalan knowing what my mother said was true. Hindi talaga natin namamalayan ang paglipas ng oras. Ipinikit ko ulit ang aking mga mata. Naramdaman ko si mama sa aking tabi. Nakalapit na pala siya sa akin. “Kaya bumangon kana diyan dahil talagang mali-late ka kapag bumalik ka pa sa pagkakatulog.” sabi ni mama sabay kurot niya sa aking tagiliran na nagpamulat sa akin. “Aray! Mama.” naiinis kong sabi sa kanya. Palabas na si mama sa aking kwarto nang humarap ulit siya sa akin pagkarating niya sa may pintuan. May sinabi itong nagpatulala sa akin. “Anak, huwag mo sanang sayangin ang bawat minuto at oras na dumarating sa buhay mo.” aniya. “Dahil mag-iiba at mag-iiba ang kahulugan nito kahit na ibalik mo pa sa oras na gusto mo.” makabuluhang sabi ni mama bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Napatulala ako sa sinabi ng aking ina dahil hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at kung saan niya napulot ang mga katagang iyon. For the past 3 years kaming dalawa na lang ni mama ang parating magkasama. My father died in a car accident when I was 9 years old. He was then picking me up from school when the accident happened. My father is walking in pedestal lane towards me when the car with a broken brake came. My two little eyes saw how my father fled because of the collision. I can’t move and scream because of shocked. Naalala ko pa noon kung paano ako lumapit sa nakahandusay kong ama. Dahan-dahan akong lumapit kay papa habang tumutulo ang aking mga luha. Pinipilit kong palakasin ang aking mga tuhod kahit na nararamdaman kong sa bawat lapit ko ay siya namang paghina nito. Tuluyang bumagsak ang aking mga tuhod nang nakalapit ako kay papa. Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa mga nakita kong malalaking sugat at ang dugong umaagos mula dito. Gusto kong hawakan si papa pero pakiramdam ko ay lalo ko siyang masasaktan kapag dumampi ang aking mga kamay sa kanya. “Pa…. Pa…pa” nauutal kong tawag sa kanya. “A…nak” sagot ni papa na nagpaiyak sa akin ng lubusan. Sinubukan niyang ngumiti para sa akin dahil ayaw niyang ipinapakita sa akin na nasasaktan at nahihirapan siya. Napasigaw ako ng iyak nang narinig ko ang nahihirapan at mahinang boses ng aking ama. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit dumaing siya pagkalapat ko ng aking mga kamay sa kanya. Sumigaw ako dahil hindi ko na alam kung ano dapat kong gawin. “Tulong...” sigaw ko. “Tulungan niyo po kami.” nagmamakaawang sigaw ko sa mga taong nakatingin sa amin. Nagpasalamat ako dahil pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating na isang ambulansya. Habang nasa daan kami papuntang hospital ay mahigpit kong hinawakan ang kamay ng aking ama habang patuloy pa rin akong umiiyak. “Anak” tawag ni papa sa akin. Mas lalong kumirot ang puso ko nang nakita ko siyang nakangiti sa akin. Pumikit ako dahil nahihirapan akong makita siyang ganyan. Tinaas niya ang kanyang isang kamay at ginalaw ito patungo sa aking mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay upang alalayan. Pagkalapat ng kanyang mga kamay ay pinahid nito ang aking basang pisngi dahil sa luha. Napapikit ako nang naramdaman ko ang mainit at magaspang na palad ni papa. “Tahan na anak.” pagtatahan ni papa sa akin habang patuloy pa rin nitong pinupunasan ang aking pisngi. “Ayaw kong nakikita na umiiyak ang nag-iisang prinsesa ko.” dagdag ni papa ng nakangiti. “Papa….. please po..” sabi kong hindi ko matuloy-tuloy. “Huwag na po kayong magsalita.” pagmamakaawa ko sa kanya. Umiling siya “No anak. I need too.” aniya. Mas lalo akong nabahala sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin. Umiling ako “Tama na po papa, please.” Pinikit ko aking mga mata habang patuloy pa rin ang pag-iling ko. Hindi sa ayaw ko siyang magsalita pero ayaw kong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Nakakatakot. “Anak, palagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal ka ni papa.” sabi niya na lalong nagpadurog sa aking puso. "Mahal na mahal ka namin ng mama mo." “Mahal na mahal din po kita papa.” sabi ko naman sa kanya na mas lalong nagpalaki sa kanyang ngiti. "Mahal na mahal ko kayong dalawa ni mama." "Sorry anak kung minsan ay napapagalitan ka namin ng mama mo." pagpapatuloy ng aking ama. "Huwag mo sana itong didibdibin at huwag ka sanang magtatampo sa amin." dagdag niyang pakiusap sa akin. Umiling ako bilang pagtugon na hindi ako nagtatampo sa kanila ni mama. Aaminin ko na minsan ay hindi ko maiiwasang hindi magtampo sa kanilang dalawa ni mama. Especially that, I am their only child that their eyes is always on me. My parents didn’t raise me to become brat. They don’t overlook all the mistakes that I committed. They either punished me or gave me some advices if I commit mistakes or I do something wrong. “Ang swerte ko dahil binigyan ako ng isang prinsesang mabait, magaling, magalang at matulungin.” sabi ni papa. Hindi ko na kaya. Parang maliliit na karayom ang bawat salitang binibigkas niya na tumatama at nanunuot sa aking munting puso. Kahit nahihirapan ay pinilit kong magsalita. “Ang swerte ko rin po dahil kayo ni mama ang naging mga magulang ko.” Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti dahil sa sinabi ko. I smiled knowing that I can put a smile on my father lips. “Anak, can you promise me?” tanong ni papa na nagpakaba sa akin. Tumango na lang ako para sa ikasasaya niya. Ngumiti siya. “Always take care of yourself.” aniya na tinanguan ko. “Huwag kang magbabago, ha.” nakangiting dagdag niya. “Ikaw na rin bahala sa mama mo. Huwag ka sanang magagalit kung dumating man ‘yong araw na may ipakilala siya sayong bago mong papa.” pagbibiro niya. “I promise.” I said as I extended my pinkie finger to his pinkie finger. Napangiti siya sa ginawa ko. Walang anu-ano ay tumigil ang sinasakyan naming ambulansya. Nakarating na pala kami sa hospital. Bumaba muna ako bago nila binaba si papa. They took my father straight to the emrgency room. “Sorry, pero hindi ka pwedeng pumasok.” mahinahong sabi sa akin ng isang nurse. “Maghintay ka na lang dito.” dagdag niya bago ito pumasok sa loob. Wala akong nagawa kun’di ang sumunod na lang. Umupo ako sa isa sa mga upuan at doon ay taimtim na nagdasal. Pinagdasal kong na sana ay makayanan ni papa ang lahat na ito para makasama pa namin siya ng matagal. Ilang minuto na rin akong nakaupo doon nang may tumawag sa akin. “Ma...Maqui” nauutal na tawag ni mama. Tumayo ako at tumakbo palapit sa kanya. She greeted me with a hug. At dahil sa yakap na iyon ay tumulo ulit ang aking mga luha. “Mama, si papa...” sabi kong hindi ko matuloy-tuloy dahil sa iyak. “Shh... Alam kong makakaya ito ni papa. Siya si Superman diba.” pampalubag-loob niyang tugon. “Let’s trust him.” dagdag nito. Umupo kami ni mama nang mahimasmasan ako. Ilang oras din kaming naghintay bago lumabas ang doctor na nag-asikaso kay papa. “Excuse me. Are you the family of Mr. Ledezma?” tanong ng doctor kay mama. “Opo doc, kami nga po. Kamusta po ang pasyente?” tugon naman ni mama. I held my mother’s hand. Kinakabahan ako sa magiging sagot ng doctor. “I’m sorry to inform you but the patient couldn’t handle the operation because of the amount of blood lost and fractures in his head.” diretsahang sabi ng doktor. “Excuse me.” sabi nito bago umalis. Hindi nakapagsalita si mama dahil sa gulat. Dahan-dahan itong umupo at saka humagulgol ng malakas. Niyakap ko siya na sinuklian niya rin ng yakap. Hindi nagsink-in agad sa akin ang sinabi ng doctor. Pero para itong sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa aking isip. Mas lalo ko itong naunawaan ng umiyak si mama ng pagkalakas-lakas. I cried in my mother’s arms, pero hindi ko alam kung bakit mas tahimik ang iyak ko ngayon kaysa kanina. Siguro ay nakatulong ang pag-uusap naming dalawa ni papa kanina. And maybe, this is one of the reasons I matured.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD