Kasalukuyan kaming andito sa simbahan, dito kami tumambay since kanina pa kami libot ng libot madaming tao ang nandito, maganda kasi tsaka malawak ang simbahan na toh para syang playground tsaka masarap tambayan kasi hindi sya mainit marami kasing malalaking kahoy
Andito kami nakaupo sa damuhan, malinis naman dito kaya ok lang Kong saan ka maupo, nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain ng fishball Pasado alas 4 na din pala
"OMG!" nagulat kami dahil sa biglang pagtili ng baklang toh
"uuyy napano ka? Para kang nakakita ng artista"tanong ko sa kanya
Nakangisi lang sya na para bang nagdedaydream nang tingnan ko yung dalawa eehh nakatingin sila sa tinitingnan ni Lloyd at pareparehas sila ng expresyon kaya sinundan ko kong saan sila nakatingin
Pagtingin ko ay merong limang kalalakihan na naglalakad siguro ko kapapasok pa lang nila if you look at them you can really say na may mga hitsura sila, nagtatawanan yung apat pero yung isa sa hulihan ay parang walang pake tumatango lang sya pag tinatanong ng kasama nya,
Hindi ko makita ang mukha dahil medyo nakayuko eto pero kitang kita dito sa pwesto namin Kong anong itsura nya,
He has a clean cut,a natural black hair na sobrang bagsak na parang ang sarap haplusin, A pinkish lips,maputi din sya, and he has a simple body hindi sya mataba pero hindi din sya Payat, matangkad din sya siguro ko parang hanggang kilikili lang ako
Nakapamulsa eto habang naglalakad ng babawi na sana ako ng tingin dahil nagising ako bigla sa katangahan ko dahil first time yata na tumitig ako sa lalaki ay bigla na lang etong nagangat ng tingin na baka na feel nya na someone is staring at him and when he did that he caught my eyes
I don't know what happen but when his eyes caught mine bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko, I suddenly get mismized by his stare, Di ko maalis yung titig ko sa kanya kasi there's something in his eyes na para bang hinihigop ang buong pagkatao ko
Dinig na Dinig ko ang impit na tili ng kasama ko pero Di ko yun mapagtuonan ng pansin, I suddenly feel weak kahit nakaupo ako ay nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko,bigla akong natauhan kaya dali dali akong nagiwas ng tingin
"woohh what was that for?" tanong ko sa sarili ko
"s**t ang gagwapo iihhh" napalingon ako kila ronabel dahil sa tili ni baks
"oh my gosh Kong wala lang ako boyfriend baka sinunggaban ko na ang mga yan" nagpapantasya naman sabi ni ronabel
"oh my bat ang gagwapo nila" sang ayon din ni jemarie
Nag patuloy lang ako sa pagkain kahit ramdam na ramdam ko parin ang kabog ng dibdib ko, at kahit gustong gusto Kong tumingin ulit sa parte ng mga lalaking yun ay pinigilan ko ang sarili ko dahil bago sakin ang feeling na toh, I'm puzzled, it's the first time that I feel like this and I don't know but I somehow feel light, I feel comfortable about this feeling
Tumigil naman yung tatlo sa katitili at bumaling sa akin
"uuyy Di mo ba nakita yun?" tanong sakin ni ronabel
"nakita ko hindi naman ako bulag duh" pabalang na sagot ko
"ang gagwapo diba?" tanong nya ulit
"ok lang naman" walang pake kong sagot
"hayy ewan ko sayo, wala ka lang matipuhan eehh"
Nagkibit balikat lang ako dahil ayoko kong mahalata nila na may nafefeel ako Mahirap na baka Kong ano pa sabihin ng mga walang hiya ng toh
Maya maya lang eehh Kong ano ano na ang pinagkikwentuhan namin tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang magaalas singko na
"magaalas singko na pala hali na kayo uwi na tayo marami pa tayong gagawin" aya ko sa kanila
"aayyy oo nga magpeprepare pa ako ng mga gamit para sa pasukan" sang ayon ni jemarie
"daan tayo dyan sa ihawan sa kanto nagkecrave ako ng isaw" bilang sabi ni ronabel
"cge cge ako din eehh gusto ko kumain" sang ayon ko
"sus kunwari ka pa eehh talaga naman yun ang sadya mo kaya ka nagaaya umuwi eehh" mataray na sabi ni Lloyd sakin
Tumawa lang ako kasi totoo naman yung sinabi nya tsaka alam naman nila na paborito ko talaga ang isaw
Tumayo na kami at nagsimulang mag lakad palabas bago kami makalabas ng Gate aayy lumingon pa ako para tingnan yung mga lalaki at nakitang Kong nakaupo sila sa may parteng gilid ng simbahan na naguusap
Tiningnan ko pa saglit yung lalaki bago inalis ang tingin at sumabay na sa mga kasama ko dahil narinig ko silang naguusap tungkol sa mga boyfriend nila
"ok naman c luke, hindi naman sya demanding" sabi ni jemarie
"Well Mike is ok also and I think I'm already falling for him, sweet sya tsaka sobrang caring" nakangiting kwento naman ni ronabel
Napangiwi lang ako kasi Di ako makarelate ako lang kasi yung single samin lahat ng kaibigan ko eehhh may mga jowa at ako lang talaga yung natatanging wala kahit ang baklitang toh eehh meron,
ewan ko ba maganda naman ako sabi nila hindi nga lang kataasan pero ok naman Di naman kasi required yung height duh
Pero sabi kasi nang mga kaibigan ko eeehh sobrang mapili ko daw sa mga boys tsaka nakakatakot daw akong lapitan kasi mukha daw akong nangangain which is I disagree kasi ganito talaga ako mukha lang akong mataray pero mabait naman ako
"ayos naman din kami ni George mas nagiging caring sya ngayon and guess what? He said he loves me last week hehehe" kinikilig na sabi naman na baklang toh
"Well good for you sana naman hindi pera ang habol nyan sayo kasi baka makasapak ulit ako" sabat ko bigla sa usapan nila
"I think naman hindi ganun c George kasi nakikita ko talaga yung pagcare nya dito kay Lloyd" sabi sakin ni jemarie
"sana talaga hindi sya kagaya ni Francis, kasi pag nangyari yun baka makapatay na ako" seryosong sabi ko
"hayyy naalala ko tuloy Kong pano mo sinuntok yung c Francis Hahaha ang epic talaga nun as in sobra talaga akong na shock" natatawang sabi ni ronabel
"oo nga eehh yung feeling na sa liit nyang yan eehh magagawa nyang manapak ng lalaki haha" natatawang sangayon ni jemarie
Pati c Lloyd ay tumawa na din
Napasimangot na lang ako dahil naalala ko din Kong pano ko sinapak ang walang hiyang yun, hanggang ngayon eehhh nang gigigil parin ako sa hayop na yun ggrrr
"mabuti nga sa kanyang walang hiya sya gago perahan ka ba naman buti nga isang suntok lang inabot nya eehh" nanggigigil na sabi ko sa kanila
"pero thank u girl sa pagtanggol sakin sa panahon na yun until now I still owe you" sinserong sabi sakin ni Lloyd
"ano kaba wala yun what are friends for, arte nito" kunwaring mataray na sagot ko sa kanya
"hayyy mabuti pa mag hanap kana din na jowa mo para naman hindi yung mga lovelife namin ang pinoproblema mo" biglang singit naman ni ronabel
"naku hindi na yata yan magkakajowa sobrang arte eehh hindi mo malaman Kong ano hinahanap duh" sabi naman ni jemarie
"ewan ko sainyo ako na naman pinuntirya nyo tsk" sagot ko sa kanila tsaka nauna nang lumakad dahil malapit na kami sa ihawan
"suss tatanda ka talagang dalaga tingnan mo"
"wala akong pake mabuti nga para wala nang dagdag pa kainin"
Tumigil na sila kakakulit sakin nang makarating na kami sa ihawan
"ate limang isaw nga po tsaka Lima ding dugo tapos apat na hotdog yung maliliit" sabi ko lay ateng tindera
"hayy naku takaw talaga eehh noh" parinig naman agad ni Lloyda
Di ko nalang pinansin dahil hahaba na naman ang usapan
"ate tatlong isaw sakin tsaka dalawang hotdog"
"akin dina ate tatlong isaw tsaka dalawang dugo"
"ate sakin dalawang isaw tsaka dalawang hotdog"
Sabay sabay na sabi nila kay ateng nagtitinda
Umupo lang kami sa kahit na upuan sa gilid habang naghihintay na maluto yung binili namin
Kinuha ko lang sa bulsa ko yung cellphone ko tsaka nagbukas ng f*******: sigundo lang ay tumunog na agad yung messenger ko tiningnan ko eto at nakitang yung isang gc pala naming magkakaibigan
Actually kasi dalawa ang gc naming magkakaibigan yung isa eehh para dun sa mga kaibigan ko sa Lugar namin tapos yung isa eehh yung mga kaibigan ko dito sa centro
?Lowkey GC??
Nicaella:hoyy mga bruhilda ano nang ganap sainyo?
Jinky:eto buhay pa naman
Angela:guys malapit na pasukan any plans?
Sheffa:jam tayo bukas
Lanie:oo nga pasukan na sa lunes eehh
Kathleen:oo nga free ako Tom. So ano? Game?
Ako:G ako kayo ba?
Nicaella:game si me
Jane:ok ako dyan
Jinky:fine with me
Lanie:?
Sheffa:ok so naka settle na San tayo bukas?
Nicaella:tabgon tayo
Jinky:cge cge what time ba?
Ako:mga around 1 siguro kita kita nalang tayo dun
Lanie:ok ok sa baba nalang tayo mag kita kita
Jane:wait ko nalang kayo dun
Sheffa:ok so see you Tom. Btw kasama ba mga jowa?
Napanguso ako bigla sa tanong ni sheffa
Ako:ehem ehem guys respeto huh may single dito baka gusto nyong hindi ma tuloy meet up natin Kong isasama nyo mga jowa nyo hmp. ?
Tinwanan lang nilang lahat yung chat ko
Jinky:ok guys walang dalahan ng jowa HAHAHA
Ako:btw isasama ko sila ronabel
Nilike nilang lahat yun inoff ko na yung Cp ko tsaka lumapit sa iniihawan dahil luto na daw yung binili namin
"guys punta tayong tabgon tomorrow mag kikita kita kami nila nicay" sabi ko sa kanila
Binigay na samin yung mga binili namin kaya nag Simula na kaming maglakad
"game ako dyan since wala naman akong gagawin bukas"pagsasang ayon ni baks
Tiningnan ko naman yung dalawa para malaman Kong sasama sila
" cge cge tutal magpapasukan na sa lunes kaya sulitin na natin"
Tumango lang c jemarie kaya bumaling na ako sa kinakain ko
Pag dating namin sa Gate ng boarding House namin ay nagpaalam na c Lloyd samin
"sabay sabay nalang tayo bukas chat ko kayo if nandito na ako"paalam nya samin
" cge cge bukas na lang"paalam ko
Pagkaalis nya ehh pumasok na din kami....
I woke up exactly 8 AM ayaw ko pa sanang bumangon pero hindi na ako makatulog eehh
Pagtingin ko sa kama nila ronabel ay tulog pa eto pero c jemarie ay wala na palagi naman kasing nagigising ng maaga yun eehh
Bumangon na ako at lumabas para pumuntang kusina para magmumog
Pag dating ko dun ay naabutan Kong nagluluto c jemarie at may kausap sa cellphone nya siguro c luke yung kausap kasi narinig ko yung CS nila
"morning" bati ko sa kanya bago Lumapit sa sink para makapaghilamos
"ohh gising kana pala, morning din" bati nya pabalik sakin
"aahh c jonielyn teka lang love huh maya nalang tayo mag usap tatapusin ko lang tong niluluto ko, cge bye love u" paalam nito sa kausap bago pinatay ang Cp tsaka pinag patuloy yung pagluluto nya
Lumapit ako sa lamesa para magtimpla ng kape,actually minsan lang ako mag kape pag trip ko lang
Pagkatimpla ko ay umupo muna ako, lumingon ako kay jem at nakitang hinahain nya na yung sinangag na niluto nya, nasa lamesa na kasi yung ulam na hotdog tsaka meatloaf
"gisingin mo na yung tulog mantika na yun para makapagalmusal na tayo" utos nya sakin habang palapit sya sa mesa
Tumayo na ako para gisingin c ronabel hayy ang hirap pa naman gisingin nga walang hiyang yun
Pumasok na ako sa kwarto ang nagtungo sa kama nya
"hoy babae gising na dyan kakain na!" gising ko sa kanya sabay hampas ng unan sa mukha nya
Gumising naman sya agad habang nakasimangot
"kailangan talaga hampasin ako sa mukha bwesit" nagrereklamong sabi nya sabay bangon
"eehh ang hirap mong gisingin"
Tiningnan nya lang ako na masama tsaka lumabas, sumunod na rin ako habang tumatawa
Dumeretso na sya sa lamesa pakatapos netong magmumog, umupo na rin ako at sumandok ng sinangag
Kumuha na rin c jem tsaka sumunod c ronabel
Habang kumakain ay nagsecellphone yung dalawa at nakangiti pa halatang yung mga jowa nila yung kachat eehh
"kayy aga aga ang lalandi sa hapag pa talaga" pagpaparinig ko
"inggit ka lang bleehhh wala kasing bebe" nakangising pangaasar sakin ni ronabel
"pake ko atleast hindi ako iiyak pag hiniwalayan duh" sagot ko naman sa kanya
Hindi na sya nakasagot at nag patuloy nalang sa pagkain Well I know how to hit the nerve kaya hindi na nakasagot eehh
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami ni jem naiwan c ronabel kasi sya yung maghuhugas ngayon
Kinuha ko yung cellphone sa kwarto para magonline
Lumabas na ako at naabutang kausap na naman ni jem yung jowa nya sa Cp hayyy buhay parang life
Umupo na lang ako sa sofa tska nag nag bukas ng FB
"Di nga pala tayo makakapagkita mamaya inay a kasi kami ni Jho sa tabgon mag kikita kita kasi sila nila nicaella" kausap ni jem sa jowa nya, dinig na dinig ko kasi halos mag katabi lang kami
Nag scroll scroll lang ako tsaka react react sa mga post wala eehh boring walang kachat
Maya maya pa ay lumabas na c ronabel at umupo sa tabi ko habang nagccp
Pustahan kachat nyan yung jowa nya kita naman kasi sa ngiti ng walang hiya ki aga aga ang lalandi bwesit hirap maging single lalo na Kong puro taken mga kaibigan mo nakakaOP
wala naman kaming ginawa yung normal routine lang kaya 12:30 pa lang eehh nakaayos na kami nagchat kanina c baks OTW na daw sya
Maya maya lang ay dumating na c baks at tsaka kami umalis para pumunta sa sakayan ng bus
Eksaktong ala 1 kami nakarating sa tabgon pumunta na kami Kong saan mag kikita kita at naabutang nandun na sina Angela at jane
"hey guys andito na pala kayo" bati ko sa kanila tsaka yumakap sa kanila g dalawa
"Well alam mo naman malapit lang bahay namin dito Hahaha" sabi naman ni angela
Nagbatian din sila nila ronabel Well magkakakilala na sila since magkakasama kami palagi nung grade 10 kami
Di nagtagal eehh sabay sabay dumating yung iba eehh guess what kasama lang naman ni nicay c butch ang dakilang epal
"hi guys namiss ko kayo" excited na bati samin ni nicay tsaka isa isa kaming niyakap
Nagyakapan lang din kami lahat since matagal tagal din kaming hindi nag kita kita buong bakasyon
"hayyy kahit kailan talaga epal mo bab palaging nakakabit kay nicay" baling ko bigla kay butch, well hindi na bago samin na kasama sya since parte sya ng grupo namin
"Well Jho ako lang toh" nakangising sagot nya sakin
Sinimangutan ko lang din sya
"so guys where to?" tanong ko
"punta tayo sa taas duon tayo mag picture picture then baba tayo mamaya para bumili ng snacks" suggest ni nicay
Sumang ayon kaming lahat at nag Simula nang umakyat sa hagdan na nasa 300 yes you read right 300 na hagdan bago makapunta sa taas which is nanduon yung malaking rebuto ni mama mary
Habang umaakyat ay picture kami ng picture
Habang nasa kalagitnaan kami ay bigla magtanong c butch
"so Jho may jowa ka na ba?" natatawang tanong neto sakin
Sinimangutan ko lang sya bwesit
"hayy ano na ang aasahan mo dyan kay Jho eehh pihikan yan" biglang sabi naman ni Lloyd
"hayy Jho ano na? Galaw galaw kailangan pa bang hanapan ka namin?" sabi naman ni butch
"aayy ewan ko sa inyo ako na naman ginugulo nyo mga bwesit" nakangusong sabi ko sa kanila
Nagtawanan lang silang lahat
"pabayaan nyo nga yang si Jho eehh baka ayaw nya pa mag ka boyfriend sa ngayon ano ba naman kayo" pagtatanggol sakin ni sheffa
"palibhasa kasi may mga jowa kayong lahat hmp pag ako talaga nagkajowa tingnan nyo who you kayong lahat sakin" nakasimangot na sabi ko sa kanila
"hayyy pag to talagang c Jho naInlove magpapaparty talaga ako haha" natatawang sabi ni butch
"kaso parang Malabong mangyari haha" gatong naman ni lanie dito
"mga gago Di ko talaga Sasabihin sainyo pag ako nagkajowa mamatay kayo kakaisip mga bwesit ggrrr" naiiritang banta ko sa kanila
Nagtawanan lang ang mga kupal
Nag patuloy lang kami sa pagakyat and finally nakarating din akala ko mahihinatay na ako kanina hhhoo
"God finally nakarating din sa wakas"
"gosh ka pagod"
"nakarating din"
"wwoohh salamat naman"
Sabay sabay na sabi nila tsaka umupo sa damuhan
Linibot ko ang tingin ko at nakitang may iilan na mga tao ang nandito din may mga mag jowa tsaka magkakaibigan
"is that Michael?" biglang tanong ni sheffa sabay turo sa mga kalalakihan na paakyat dito
"oh my si ethan ba yun? And jinky kasama nila c Norman and what the hell bat andito sila?" nagtatakang sabi naman ni lanie
Napatingin naman kaming lahat dun at nakitang magkakasama yung mga jowa nila even Mike, George and luke are there
"aayyy putcha what a nice day" nanlulumong sabi ko sa sarili
Lahat sila Tumayo para salubungin yung mga boyfriend nila maliban samin nila butch at nicay since mag jowa ang dalawang yan
"heyy love you didn't tell me that your coming here" bati ni jem kay luke
"well surprise? Haha"
Pagkalapit nila sa mga boyfriend nila ay nag usap sa dali tsaka sila pumunta sa direksyon namin
Tumatawa lang yung dalawa sa tabi habang nakatingin sa nakabusangot Kong mukha
Binalingan ko nang masamang tingin c butch kasi alam Kong sya na naman may gawa nito
"hey hey wala akong alam" depensa nya agad
"gago ako pa niloko mo" nanlilisik na sagot ko sa kanya
Nangmakalapit silang lahat ay binati nila ako
"heyy Jho musta" mike
"hi Jho" luke
"uyy Jho andito ka pala" artemio
Nginitian ko lang sila tsaka nagpaalam
"makaalis nga muna, Iwan ko na kayo mga bwesit"
"uyy Jho San ka punta?" tanong sakin ni jinky
"dyan dyan lang dun sa malayo sa inyo mga gago ginawa nyo pa akong chaperon nyong lahat" sagot ko sa kanya
Tumawa lang silang lahat dahil alam nilang naiirita na ako
Iniwan ko nalang silang lahat dun kesa inggitin pa nila ako lalo
Pumunta ako sa likod ng malakinh santa tsaka naupo sa damuhan, pagkaupo ko ay nawalan agad ng ekspresiyon ang mukha ko
Hayyy eto na nga ba ang sinasabi ko eehh kaya ayokong magisa eehh kasi nalulungkot lang ako, bumabalik na naman sa isip ko lahat ng sakit
Habang nagmumuni muni ako ay may bigla!nag salita sa likod ko na syang ikinagulat ko
"Hi"
"aayyy palakang kabayo! Shocks!"halos mapatalon ako bigla dahil sa gulat
Lumingon ako sa kanya at nakitang umupo eto sa tabi ko
Nakahawak pa ako sa dibdib ko ng humarap eto sakin at bumati ulit
" hi"sabay ngiti
Nakatulala lang ako sa mukha nya at sa pangalawang pagkakataon ay nagulat ako umawang ang bibig ko nang makita ang buong mukha nya
" I-ikaw? "sabay turo ko sa kanya
Matagal ako bago nakabawi ang lakas kasi ng t***k ng Puso ko katulad nung una ko syang makita sa simbahan
Oo tama kayo ng nabasa sya yung lalaking nakita namin sa simbahan kahapon
" aahhmm you know me? "biglang tanong nya
" hindi hindi"mabilis Kong tanggi kasi hindi ko naman talaga sya kilala
Tinitigan ko sya at malinaw na malinaw sakin ang mukha nya at isa lang ang masasabi ko
"s**t ang gwapo!"
Matangos ang ilong nya, he has a perfect jaw line, makapal din ang kulay nya which is very attractive to me, medyo sing kit yung mata nya and guess what? It's color gray! Hindi mo sya ma papansin sa malayuan pero pagtinitigan mo ay makikita mo talaga, he also have a thin lips and it have a natural pink color, itim na itim ang buhok nito na parang sobrang labot dahil nahuhulog eto sa mukha nya
"aahhmm ok ka lang?" alanganing tanong nya sakin na syang nakapagpagising sa katauhan ko shocks nakaka hiya!
"ahm sorry ok lang ako may iniisip lang" sagot ko sa kanya sabay tingin sa harap
"ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya para mawala ang ackwardness sa paligid napansin ko din na nakasuot sya ng simpleng Black v-neck shirt at naka grey short na talagang bumagay sa kanya
"Well I saw you earlier na papunta reto na parang naiinis ka sa mga kasama ko base kasi sa nakita ko ikaw lang yung walang kasama sa kanila" sagot nya sakin
Ang sarap pakinggan ng boses nya hindi sya masyadobg malalim tamang tama lang para sa boses ng isang lalaki at lalo na pag nageenglish sya s**t ang sarap sa tenga
Pinigilan Kong hindi mapapikit dahil sa boses nya its so soughting
"Well you got it right, ang usapan kasi walang dalagan ng mga jowa pero tingnan mo nangyari ayun sila at ako eto magisa" nanghihimutok na sagot ko ng maalala ang nangyari kanina
"same as me haha umalis din ako kasi yung mga kaibigan ko ayun din kasama mga girlfriends nila" natatawang sabi nya sakin
"ooww akala ko nandito ka para makipag meet up sa girlfriend mo?" tanong ko sa kanya
"how do you say so?"
"Well ang karamihan kasing pumupunta dito eehh yung para makipagmeet sa mga jowa nila" kibit balikat Kong sagot sa kanya
"Well hindi lahat sinama lang ako ng mga kaibigan ko dito, and I don't have a girlfriend" nakangiting sagot nya sakin
Tumango lang ako at tumahimik since wala kasing akong maitanong
"btw kanina pa tayo naguusap pero we still don't know each other haha" basag nya sa katahimikan, yun din sana ang Sasabihin ko naunahan nya lang ako
"oohh oo nga pala haha" ackward na sagot ko sa kanya
"I'm Blake and you?"nakangiting pakilala nya sabay lahad ng kamay
" jonielyn but you can call me Jho"nakangiting pa kilala ko din sabay abot ng kamay nyang nakalahad
But when my hand touch his there's sudden electricity that flow in our hands that makes me let go of it and parang na feel nya din kasi bumitiw din sya bigla
"what a nice name" puri nya sa pangalan ko
"thank u?" natatawang sagot ko sa kanya
Biglang nag vibrate ang cellphone ko tanda na may tumatawag pagkuha ko rito ay nakitang tumatawag c ronabel
"aayy teka lang tumatawag kaibigan ko"
Tumango lang sya, sinagot ko naman yung tawag
"oohh?" walang pake Kong sagot
"aayy galit? Wala man lang hello?"
"pake ko, bat ka napatawag?"
"punta kana dito baba na raw tayo,buli daw tayo snackan may malapit daw na milkteahan sa baba" sabi nya sakin
"cge cge basta libre nyo ahh bayad sa pagiging chaperon ko" nakasimangot na sabi ko
"oo na oo na pumunta kana rito" natatawang sagot nya sakin
Pinatay ko na yung tawag tsaka humarap kay blake
"youre going?" tanong nya sakin
"oo eehh pinapabalik na ako ng mga kaibigan ko bababa na daw kami magisnack daw" nahihiyang sabi ko
"oohh ok nice to meet you, see you when I see you?" nakangiting sabi nya sakin
"nice to meet you din, its nice talking to you so pano una na ako?"nakangiting paalam ko sa kanya
" bye thanks sa time"nakangiting paalam nya din
"bye" tsaka ako tumalikod na, lumingon pa ako ng isang beses at nakitang kakatalikod na pa lang para pumunta sa mga kaibigan nya
Tumalikod na ulit ako at nakangiting nag lakad papunta kila nicay,
Pagdating ko dun ay kumpleto sila at handa nang umalis na para bang hinihintay nalang nila ako
Binalik ko ang normal na mukha ko, hindi ko pinahalata sa kanila na masaya ako
"ang tagal aahh ano bang ginawa mo dun?" tanong agad ni ronabel sakin
"wala tumambay lang" sagot ko
"baka naman may ka meet up ka dun aahh" nangaasar na sabi naman ni butch
Biglang pumasok agad sa isip ko ang nangyari kanina pero Pinigilan ko ang sarili Kong mapangiti Mahirap na nasa harap ako ng mga demonyeta baka Kong ano ano pa sabihin eehh
"gago" sagot ko nalang
"tayo na nga nagugutom na ako eehh" kunwari nagmamadaling sabi ko para tigilan na nila ako
Lumakad na kami para makababa na.....