KABANATA 9

1334 Words
“Ikaw ba talaga? B-Bakit parang hindi ganito 'yong naramdaman ko ng hayaan kitang angkínín ako?” Takot at kaba ang nararamdaman n'ya sa mga oras na ito. Ibang-iba si Nate kumpara noong lasing ito at sabay nilang pinags4luhán ang inít. Naalala n'ya 'yong haplos at ma-respetong galaw ng binata, pero ngayon hindi ganun ang nangyari. Binabastos na nga s'ya nito ay wala pa ni katiting na respeto itong itinira para sakaniya. Tanging p4gnanasa lang ang nakikita n'ya sa mata ng binata. “Gagawin mo ba o hindi?" Malamig na tanong ng binata sakanya bago sya hinawakan sa leeg. "Asawa kita sa papel kaya responsibilidad mo ito. Ito naman gusto mo diba? Sino kaba talaga? Anong ginagawa mo sa bar? Ang isang hampas lupang gaya mo ay walang kakayahang makapasok sa ganung lugar." Mapang lait na wika pa ni Nate habang hawak parin sya sa leeg. "Sasakalin mo ako?" Matapang nyang sinalubong ang matalim na titig ni Nate. Hanggat maaari ayaw ni Anita na nilalabas ang kamalditahan nya dahil nakikisama sya, pero pinipilit talaga sya ni Nate. "P*kpok ako sa bar," pag sisinungaling nya rito. "Masaya kabang ginagawa ito?" Naluluhang tanong pa nya. Nagulat si Anita ng higpitan ni Nate ang pagkakahawak nito sa leeg nya. Sinasakal sya nito at kinakapos na sya ng hininga! Wala syang ginawa. Hinayaan nya lang ang binata na sakalin sya o kahit patayin pa sya nito. Patuloy lang sya sa pagluha habang mariing nakapikit. "Binalaan kana nila na wag mo akong pipikunin Anita. Dapat nakinig ka kay Frost," bulong ni Nate sakanya ng maitayo sya nito. "Gago ka Nate!" Sinuntok ni Blake si Nate kaya nabitawan sya nito. "Anong ginagawa mo kay Anita?" Galit na tanong ni Blake bago sya inilayo kay Nate. Mabuti nalang at dumating si Blake. Ang buong akala talaga ni Anita ay katapusan na nya. Napakalupit ni Nate sa lahat, pero kapag tinititigan nya ito sa mata ay lungkot ang nakikita nya. "Nakakaawa ka," sambit nya bago pinahid ang luha nyang bumabasa sa pisnge nya. "Pinapakita mong malakas ka para hindi nila malamang mahina ka talaga. Nagsisisi akong nakilala kita at nakasama ng gabing yun, at lalong nandidiri ako na dala ko ang apelyido mo." Tatalikod na sana sya ng may makalimutan pa pala syang sabihin. "Wala akong pake kung tanggalin mo ako. Kasi hindi na ako natatakot sayo ngayon," madiing wika nya bago tuluyang iniwan si Nate kasama ang nakamasid lang na si Blake. Tuluyan lamang napahagulgol si Anita ng makapasok sya sa kwarto. Mabuti nalang at si Blake lang ang nakakita sakanila. Dahil hindi na nya gustong mas mapalayo ang loob ng mga ito kay Nate. Sigurado syang may dahilan si Nate kung bakit ganun na lamang ito makisama sa lahat, o baka makasarili lang talaga ang binata? Lihim syang nakipag kita sa kaybigang si Luein. Maaga syang nagising at umalis ng bahay. Hindi nya ugaling mag paalam para maiwasan ang itatanong sakanya ng mga ito. Natanaw na nya si Luein kaya kinawayan nya ito. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nya rito. Sa walang masyadong tao nila piniling mag meet, pero hindi sya nakipag kita upang mag chismis o mag sumbong lang. Gusto nyang humingi ng pabor sa kaybigan kaya nya ito gustong makita. "Aalis ka?" Takang tanong nito sakanya ng maikwento nya ang lahat. "Ang gago naman pala ng Nate na yun! At sya pa talaga yung nakaone night stand mo? Girl, sa dinamirami ng tao sa mundo sya pa talaga?!" Hindi makapaniwalang komento ng kaybigan ni Anita. Maging sya ay hindi parin matanggap, pero gusto man nya o hindi. Wala syang magagawa dahil nangyari na. Ito yung bunga ng katangahan nya at pagdedesisyon ng wala sa sarili. "Habang hinahanapan mo ako ng trabaho pipilitin kong mag file ng annullment. Hihingi ako ng tulong kay Blake." Wika nya sa kaybigan. Si Blake kasi ang tingin nyang mas makakatulong sakanya. Dahil sa kilala nito ang Mayor na nag kasal sakanila ni Nate, at alam rin ni Blake ang kalagayan nya. Hindi sya nag tagal. Umuwi narin sya ng makausap ang kaybigan. Hindi sya pwedeng maabutan ng mga ito na wala sa bahay. Kaya nga kahit madaling araw palang ay pinilit na nyang makipag kita sakanya ang kaybigan. Si Luein lang ang nalalapitan nya parati. Katulad nya ay mayaman rin naman ito. Kaya naman wala syang problema sa pera, pero maging ito kasi ay minamanmanan ng pamilya nya kaya naman hindi sya nito basta matulungan. Nakahold rin ang pera nito dahil sa pakikipag sabwatan ng pamilya nya sa pamilya ni Anita. Ganito kahirap ang kalagayan ni Anita. Malaya nga sya ngunit tila ba palaging may multong humahabol sakanya. "Blake." Kinapitan nya sa braso ang binata ng makita nya itong patungo sa kusina. Hinila nya ito papunta sa likod ng bahay at isinandal sa pader. Gulat itong napatitig sakanya. "Ang wild mo naman Anita," napangisi pa ito. Hahagkan na sana sya ng binata pero pinigilan nya ito at tinakpan ang bibig. "Anskbskskkwnsksnsjnnskk!" Wika ni Blake na hindi naman maintindihan dahil nga natatakpan ang bibig nito. "Makinig ka muna sakin, pwede ba?" Yamot na tanong nya. Napatango naman ito kaya binitiwan na nya ang bibig nito. "Kaylangan ko ng tulong mo. Samahan mo ako sa Mayor na nag kasal samin ng Kuya mo." Seryosong sabi nya. "Hindi ako pwedeng makialam sa problema nyo ni Nate. Madadamay ako sa galit nya kapag pinakaylaman kita," mabilis na sagot ni Blake sakanya. "Aalis agad ako kapag maayos na yung annulment paper namin, please?" Pakiusap ni Anita sa binata. "Ano namang kapalit?" Tanong nito habang nakatitig sakanya. Ano nga bang maaari nyang ibigay sa binata? Hindi naman pwedeng pera dahil wala syang malaking pera ngayon. At hindi narin ang katawan nya. Dahil isang beses lang ang pangyayaring yun. "Wala akong kayang ibigay sayo," malungkot na sagot nya rito. "Wala rin akong maitutulong." Tinalikuran na sya ni Blake kaya umisip sya ng paraan. Ngumawa sya na parang bata kaya bumaling ulit ito sakanya. "Parang awa mo na Blake," pakiusap ni Anita. Napakamot sa ulo si Blake. "Tumahan kana, mas masahol ka pa pala kay Bambam." Naiiling na wika nito. "Bukas sasamahan kita kay Diego." Inirapan sya nito at iniwan na. "Parang malungkot ka yata?" Tanong ni Frost ng makita sya. Mabilis nyang nilagyan ng ngiti ang labi nya. Pag dating kay Frost hindi sya pwedeng mag pakita ng kalungkutan. Kahit may problema sya napapangiti at napapagaan parin ng binata ang kalooban nya. "May problema ba?" Dagdag na tanong pa ni Frost bago inagaw ang walis sakanya. "Tulungan na kita," nakangiting wika nito. "Ako nalang." Pinilit nyang agawin ang walis ng itaas ito ni Frost. At dahil matangkad ang binata ay nahihirapan syang maabot ito para sana kuhanin. "Frost wag makulit," natatawang saway ni Anita. "Kuhanin mo kung kaya mo." Bumwelo sya at dinamba si Frost bago tumalon upang maabot ang walis, pero nawala ng balanse ang binata at natumba. Kaya naman si Anita ay napapatong rin sa binata. Tatayo agad sana sya ng hawakan ni Frost ang bewang nya. Kaya naman nanatiling nakapatong parin sya rito at titig na titig dahil sa gulat. "Chineck ko 'yung eklog ko brown pala sakin? Pero hindi man nailuluto 'to, pero pwede paring kainin right?" Tanong ni Gummie kay Bambam na kasabay nyang lumakad patungo sana sa kusina. Ngunit natigilan ito ng makita si Anita at Frost sa akward position ng mga ito. "Gummie panay ka nalang eklog. Try mo itong nilalaro kong hammer ni Thor, astig. Pwede mo syang ipukpok sa ulo ni--" Maging si Bambam ay natigilan ng makita sila. "Marami ng kaganapan sa loob ng pamamahay na ito kaylangan ko ng maging invisible man." Si Bambam na nilampasan lang sila ni Frost. "Sabi na e, dapat nag prito nalang ako ng eklog." Segunda ni Gummie bago sumunod kay Bambam. "Parang awa nyo na! Gusto ko nalang maglinis sa buong buhay ko wag nyo na ako guluhin!" Sigaw ni Anita bilang palusot sa dalawang mag kapatid na iba na ang iniisip sakanya. Baka isipin ng mga ito'y nilalandin nya si Frost.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD