Walang kabang nararamdaman si Anita ng isama s'ya ni Bambam at Gummie. Tumawag kasi ang pulis sakanila at sinabing nasa presinto nga raw ang tatlong pasaway.
Ayaw na sana n'yang sumama dahil wala naman s'yang magagawa, pero mapilit ang dalawa. Ang inaalala lang naman n'ya ay si Frost, baka nasaktan pinapahirapan ito ng mga pulis. Ito ang tumatakbo sa isipan ni Anita ngayon.
“May dala ka pang itlog maililigtas ba n'yan si Nate, Frost at Blake?!" Yamot na tanong ni Bambam kay Gummie.
“Pagkain ito, at oo maililigtas ng eklog ko ang laman loob nila mula sa pagkaka gutom.” Mapanindigang sagot ni Gummie bago bumaling kay Anita. “Ikaw na bahala.” Bulong nito sakaniya.
Napailing na lamang s'ya sa dalawa.
“Dala ko ang hammer ni Thor. Isang pupok ko lang sa dumampot sakanila makakalaya na silang tatlo.” Pag mamalaki pa ni Bambam.
“Huwag na kayong sumabay pa sa gulo. Pabayaan n'yo nalang akong dumiskarte.” Inis na wika n'ya sa dalawa.
Binilin kasi sakaniya ng dalawa na wag daw hihingi ng kahit anong tulong sa Lolo ng mga ito. Hindi n'ya alam kung bakit, basta mahigpit itong bilin ng lima. Siguro'y may parusa silang matatanggap kaya ganoon na lamang ang takot ng mga itong ipaalam sa Lolo nila.
Si Bambam ang nag drive ng kotse. Isang oras bago sila makarating dahil sobrang bagal ni Bambam mag maneho. Panay pa ang bangayan ng dalawa sa saksakyan, mabuti nalang ay maayos silang nakarating sa police station.
“Frostie!” Sigaw ni Gummie bago nilundag ang kapatid. “May dala akong eklog para sainyo. Upang mabilis kayong makarecover mula sa matinding labanan. Ang eklog na ito ay napakasarap ng timpla. Kaya naman amoy palang ay—”
“Baliw pa yata.” Maangas na bulong ng lalake habang nakatitig kay Gummie.
“Sinong baliw?” Sabay na tanong ng apat na magkakapatid.
Lihim na nangiti si Anita dahil sa pagkakaisa ng magkakapatid. Kahit pala may kani-kaniya silang mundo sa bahay at pag u-ugali ay nagkakaisa naman ang mga ito kapag may na a-agrabyado na isa sakanila.
“Gusto mong pupukin kita ng hammer ni Thor ng matauhan ka?” Seryosong tanong ni Bambam.
Ngayon lang sumeryoso ang bunso na si Bambam, at bago pa makisali ito ay pumagitna na si Anita. Kapag hinayaan n'yang makipag rambulan ang lima ay baka tuluyan ng makulong ang mga ito at wala s'yang magagawa kundi labagin ang utos ng mga ito na wag hihingi ng tulong sa Lolo nila.
"Sir pasensya na, pero pwede n'yo po bang ikwento sakin 'yong pangyayari?“ Tanong n'ya sa pulis na incharge ngayon.
“Itong dalawang janitor daw kasi binugbog s"ya.” Sagot ng isang pulis sakaniya bago tinuro si Nate at Frost. “Itong si Mr. Blake naman—”
Natigilan ang pulis sa sinasabi ng sumigaw si Blake. “Blake lang! Ayaw ko ng Mr. Blake ang baduy!” Inis na sigaw nito
“Ngayon may dahilan na ako para makulong ang tatlong 'yan.” Yamot na wika ng pulis.
“Subukan mo lang haha. Kilala mo ba si Mayor Diego? S'ya abogado namin.” Mayabang na wika pa ni Blake kaya sinamaan na ito ng tingin ni Anita.
“Pwedeng tumahimik ka?” Pinanlakihan n'ya ito ng mata bago bumaling sa lalakeng kaaway ng magkakapatid. “Pwede po bang idaan nalang natin sa maayos na usapan? Handa naman po silang mag bayad.” Bumaling s'ya sa tatlo at ngumiti. “Para sa damage na nagawa nila sa mukha mo sir.”
“May damage ba? Akala ko kasi ganiyan na talaga mukha n'ya.” Bulong ni Gummie kaya nag tawanan ang apat.
Pwera kay Nate na nayayamot na sa tagal nila sa presinto.
“Anong nakakatawa?” Tanong ni Anita ng mapansing palihim ang tawanan ng mga ito.
“Wala 'yong itløg kasi ni Gummie masarap.”
Bambam ang sumagot.
“Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalake lalo pa't kapatid ko.” Sabat ni Blake na iba ang na sa isipan.
“Bastos mo talaga.” Natatawang wika ni Frost bago pinatigil ang mga kapatid sa kalokohan.
Sumeryoso ang lahat lalo na ng mapapayag ni Anita 'yong lalake na makipag areglo na lamang. “Money is not a problem, pero wala kanang babalikan na trabaho sa kompanya.” Magalang parin ang pananalita ni Frost.
Hindi kasya lahat sa sasakyan kaya naman pinauna na ni Anita ang apat. Kasama si Frost, at ang natira ay si Nate at s'ya na lamang. Dahil sa tagal ng mga ito sa presinto ay ginabi na ang pakikipag areglo sa binugbog nila. Napabuntong hininga na lamang sya bago nag abang ng taxi para sakanilang dalawa ni Nate.
“Maupo ka muna. Ako na papara ng tax—” Natigilan s'ya ng mapansing nag simula na palang lumakad ang binata.
Sumunod na lamang s'ya sa paglalakad. “Hindi ba tayo sasakay?” Tanong n'ya.
Natigilan sa paglalakad si Nate upang tignan s'ya. “Sumakay kana.” Malamig na utos nito.
“Pero hindi kita pwedeng iwan.” Napakamot s'ya sa ulo at pinag patuloy parin ang pagsunod.
Napansin n'ya ang sugat nito sa labi na may bahid pa ng dugø. Palaban din kasi ang nakatapat nito kaya napuruhan din sila ni Frost, at maging si Frost ay napansin n'ya ang sugat sa labi. May nakatabi s'yang first aid kit sa kwarto n'yang kaya naisip n'yang linisin ang sugat ng dalawa mamaya.
Doctor s'ya kaya gusto rin n'yang masiguro ang kaligtasan ng dalawa, baka may iba pang sugat ang mga ito.
Ilang minuto na silang naglalakad. Wala paring taxi ang dumadaan para isakay sila. Natapatan pa sila ng kamalasan. Masakit na ang paa n'ya ngunit hindi n'ya magawang mag reklamo. Hindi naman kasi sya iintindihin ni Nate. Makasarili ang binata at walang pake sa kahit na sino. Nauuna pa nga sakaniya ito sa paglalakad. Hindi man lang s'ya mahintay, sobrang bilis pa.
Napasalampak s'ya sa daan dahil sa pananakit ng paa n'ya. Hindi naman kasi s'ya sanay mag lakad ng malayo dahil lumaki s'yang panay hatid, sundo ng driver nila.
“Tumayo ka wag kang tamad.” Utos ni Nate sakaniya na binalikan pala s'ya ng mapansing hindi na s'ya nakasunod rito.
“Masakit na paa ko mauna kana. Bahala na ako sa buhay ko,” yamot na sagot n'ya.
"Feeling mo bubuhatin kita? Well, kahit lumuha ka pa ng dugo hindi kita bubuhatin.” Wika ng Nate habang sinusuri s'ya ng tingin.
Inis na napairap si Anita. Hindi naman kasi nya sinabing buhatin s'ya nito. Pinilit n'yang tumayo. Lalakad na sana s'ya ng hawaka ni Nate ang braso n'ya at isampay sa balikat nito. Napakapit nalang rin n'ya lalo na ng angatin nito ang hita n'ya at i-piggy back ride s'ya ng binata.
"Anong bang ginagawa mo? Akala ko ba hindi mo ako bubuhatin?” Takang tanong n'ya.
"Kapag nag tanong ka pa ulit ihuhulog na kita.” Banta nito kaya pinili nalang n'yang manahimik.