Chapter 12 °Clare° Hindi ko na alam kung saan'g lupalop na ng lugar na ito ako napadpad, pakiramdam ko ay tatlong araw na akong naglalakad kahit na isang oras pa lang naman ang nakakalipas simula nung tumakbo ako palayo kay Xoul. Tsk, yung lalaking iyon, talaga bang may pagka demonyo siya para takutin ako ng ganoon at hayaan akong tumakbo palayo? Alam naman siguro niyang wala akong alam sa lugar na ito tapos hinayaan pa niya ako. Akala ko ay mabait siya ngunit mukhang occasional lang ang pagiging mabait ni Xoul. Idagdag pa na sobrang init ng ulo niya dahil sa ginawa kong kalokohan don sa lobby. Sino nga ba naman ang hindi masisisanti kung halikan ka ng babaeng mapapangasawa ng boss mo? Even the thought of it makes me wanna cry. Mahirap pa naman din ang buhay ni Xoul. Marahas akong nap

