The second day of semester break in Coron, Palawan. Nagising ako nang hindi pa sumisikat ang araw. Maaga rin pala akong nakatulog kagabi. Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa kurtinang nakasara. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman ito isinara kagabi kasi medyo mainit. Nang itukod ko ang aking palad sa tabi ng hita ko ay nakapa ko ang isang bulaklak. Inalis ko ang kamay ko rito at nakita ko ang sandamakmak na rosas dito. Binuksan ko ang lampshade at binasa ang nakasulat sa card, katabi rin ng mga rosas. 15 roses speaks, "I'm sorry if I upset you last night, forgive me baby." -A. Amadeo. Napakagat ako sa aking labi at hindi napigilan ang mapangiti. Ibinaba ko ang aking paa sa kama saka itinali ang aking buhok. Nakakabahala tuloy kung anong hitsura ko kagabi habang natutulog ako.

