Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking gamit para maghanda sa pag-alis nang may kumatok sa pinto. Ipinatong ko sa kama ang damit na tinitiklop ko at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang nakangiting si Mrs. Dela Vega. She's wearing annoying damn round hat and black classy fitted dress. Mayroon ding gloves siyang suot. 'Yung labi niya'y mas mapula pa sa suot niyang heels. Inabot niya sa akin ang isang black invitation card with a gold ribbon on it. Binasa ko ang nakasulat sa likod at isinisigaw ng gintong kulay na mga letra ang salitang, "10th Founding Anniversary of Fantasia!" "I'm expecting you to come over and perform. We're waiting for you," ngiti niya at agad na naging tuwid ang linya ng kaniyang labi bago ako talikuran. Nakita ko pa si Hannah na dala-dala 'yung maleta. Tumingin mun

