"What exactly happened to her?" biglang bato ng tanong ni Arthur habang tinutulungan ako sa pag-akay kay Win pababa ng kotse. Nagpabitaw na rin siya dahil kaya na naman daw niya. Pinanood lang namin siyang magpagewang gewang sa paglalakad habang bitbit ang heels sa magkabilang kamay. I let out a deep breath. "They... broke up," sagot ko at itinaas ang tingin sa kaniya. Siya naman ay nakahilig lang sa pinto ng kotse habang nakahalukipkip. "Because of that pregnant woman?" Kumunot ang aking noo, "Paano mo nalaman?" "I hate seeing you worried. Nagpa-background check ako at nalaman kong kaibigan niya lang 'yong babae. Most importantly, hindi siya 'yong ama. Parang kapatid na rin ang turing niya rito," aniya at nagkibit balikat. Bahagyang nanlaki ang aking mata sa impormasyong binigay ni

