Maaga akong gumising kinabukasan. Dumating na pala ang parents ko kahapon from Russia. Bukod sa party ni Hannah e may business deals pa ring inatupag doon si dad kaya ngayon lang sila nakauwi. Doon na raw ako mag tanghalian sa bahay. Isasama ko pa sana si Win pero may iba atang lakad. Pumara ako ng taxi at nang makasakay ako ay dalawang magkasunod na message ang natanggap ko. Mom: Where are you na, nak? Ako: Mom. It's 10 am palang. You missed me that much? Natawa ako habang nagta-type. Siguro'y miss na miss na ako kaya ganito siya parang napa-praning. Naging maayos na naman 'yung tampuhan namin dahil sa pagattend niya sa party. Habang hindi ko pa nare-receive ang reply ni mom ay binuklat ko pa ang isang message. Arthur (boby): Let's have a date. 7 p.m. Hatid kita. Napairap ako

