Nakangiting nagd-drive si Winwin habang ako nama'y hawak hawak ang mga tarp na ginawa namin for Aces V. Palubog na rin ang araw at isang oras na lang ay magsisimula na sila. Kanina pa ring excited ang kaibigan kong animo'y ngayon lang mapapanood ang nobyong kumanta sa harap ng madla. Nang makarating kami ng venue ay narinig ko ang ringtone ng phone ni Winwin. Hindi na muna kami bumaba ng sasakyan at hinintay siyang sagutin ang tawag. Ilang saglit pa'y tila may namumuong luha sa gilid ng mata niya. "O-okay. I'll go." aniya at binaba ang tawag. Ilang saglit siyang natahimik at tulalang nakatingin sa screen ng phone niya. I asked her what's wrong pero 'di niya ako sinagot. "I-ikaw na lang siguro muna ang pumunta. Pakisabi na rin kay Miguel na hindi ako makakapunta. Nagkaroon lang ng fami

