NYX Sa loob ng isang buwan na pagpapanggap namin ni Tam na anak mayaman ako ay may mga pagkakataon na parang nagdududa na ang Mama niya. Palagi itong nagtatanong kung kailan ko daw balak ipakilala si Tam sa kuya ko. Syempre ay nagagawan namin ng paraan at dinadahilan ko na nasa ibang bansa ang kuya ko kaya hindi ko pa maipapakilala kay sa ngayon. Mabuti na lang at palaging distracted ang Mama niya dahil hindi maayos ang relasyon nito sa Papa nila Tam. Sa isang buwan na pananatili ko dito sa bahay nila Tam ay nalaman ko rin na hindi kasal ang Mama at Papa niya. Sa katunayan, ang Papa ni Tam ay nasa Japan at may sariling pamilya. Inamin naman ni Tam sa akin na naanakan lang ng Papa niya ang Mama niya at hindi ito pwedeng malaman ng pamilya nito sa Japan kaya tinatago sila dito sa Pilipinas

