NYX Isang oras na halos ang lumipas simula noong nakaalis si Priam dito sa clinic ko ay hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ako. Mabuti na lang at tatlo lang ang pasyenteng may appointment sa akin ngayong hapon dahil balak kong umuwi na agad pagkatapos ng huling appointment ko. I don’t think I can work properly after knowing my current situation. Muling hinila ko ang drawer at nakita ang digital pregnancy test na may nakasulat na “pregnant”. Muling sinarado ko ang drawer at saka napasapo sa noo. Pilit na sumisiksik sa isip ko ang naging reaksyon ni Priam sa pagbubuntis ko. Hindi naman siya mukhang galit kanina. Hindi rin naman siya mukhang natutuwa! At imposible na ikatuwa niya itong pagbubuntis ko dahil galit siya sa akin! “Ano bang gagawin ko ngayon?” Minasahe ko ang sentido ko.

