NYX Ilang sandaling napatitig ako sa one hundred thousand cash na binigay sa akin ni Lorcan. Nang magising ako kanina ay wala na si Priam sa tabi ko. Sigurado ako na magkatabi pa kaming natulog kagabi dahil sinabi niyang hindi niya kailangang umalis agad. Kaya nang magising ako na wala siya sa tabi ko ay hindi ko tuloy maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Halos kakagising ko lang nang dumating naman si Lorcan. Ang akala ko nga ay si Priam ang dumating pero nang makita kong si Lorcan ay parang nadismaya pa ako na sa halip na si Priam ang makita ko ay ang kaibigan niya ang dumating. “Tapos na kaagad ang trabaho ko?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ko kay Lorcan. Nang dumating siya ay hindi na siya nagdalawang isip na sabihin sa akin ang dahilan ng pagpunta niya dito. “Yes. And

