NYX That day, Lilith faced the most traumatic event in her life. Hindi ako bumalik sa Pilipinas hangga’t hindi ko siya nakikita na nasisiraan ng ulo sa mismong harapan ko. Lahat ng klase ng hayop at insekto na kinatatakutan niya ay inilagay sa isang kwarto kasama siya. Kahit na isang buwan na ang nakalipas simula noong nangyari ‘yon ay napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kay Lilith Van Doren. Para na rin siyang namatay dahil sa mga nangyari sa kanya! Ang balita ko ay nasa Germany pa rin siya hanggang ngayon at inaakala ng pamilya niya na nagtatago lang dahil sa iringan nila ng Don bago siya umalis sa Pilipinas. Ngayon ay nagtatrabaho na ulit ako sa isang hospital pero hindi na sa mga Van Doren. At masasabi ko na kahit papaano ay nagkaroon ako ng peace of mind s

