NYX Dumaan ang isa pang buwan pero hindi pa rin sinasabi ni Zia sa akin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Madalas ay nakikita ko siyang tulala sa doctor’s quarters dahil palihim at sinasadya ko siyang puntahan sa quarters nila kapag wala akong pasyente. Noong binigyan ko siya ng safety pin necklace ay naisip ko na baka maisip niyang sabihin sa akin ang gumugulo sa isip niya. Pero kapag nagkikita kami ay napapansin ko na mas inuuna niyang tanungin ang kalagayan ko kay Kiran kesa ang ipakita sa akin na may problema siya. “I wanna hang out with you tonight, Zia. How about we go to your place?” Kahit na alam kong mapapahamak ako kapag nalaman ni Daddy na hindi ako umuwi sa bahay ay hindi ko na inintindi pa ang galit niya. Tutal ay nandyan naman si Kuya Filipp na pwede kong hingan ng tulong

