PRIAM “What kind of place is that and what exactly do they do there?” Kanina pa ako litong-lito habang kausap si Lorcan. Inamin niya sa akin na hindi lang ang pagbabantay kay Nyx Larsen ang dahilan kung bakit sila pumunta dito sa Germany pero dahil kinuha ko ang serbisyo nila ay priority nilang dalawa ni Matt na gawin ang utos ko. May ibang secret agents din silang kasama at dahil babae ang ilan sa mga ‘yon ay doon nila pinasama si Nyx matapos kunin sa hotel. “The place is called a pup space but this space in Germany wasn’t really made for the leather community. They are mixing it with prǿstitution, human and drūg trafficking, illegal migration and such. The activities inside the pup space are coherently sēxual. At dahil illegal ang pagdala nila ng mga babae dito sa Germany ay posibleng

