NYX Naliligo pa lang ako kanina ay tawa na ako nang tawa. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ng may-ari ng unit kapag nakita ang maskara na nilagay ko sa toilet niya ay hindi ko na mapigil ang mapaupo at mapahawak sa tiyan dahil sa kakatawa! Hanggang sa natapos na akong maligo at nakasampa na sa kama ay natatawa pa rin ako kaya hindi na nakatiis si Tam at nag-usisa na sa akin. “Ano bang nangyayari sayo, Nyx?” kunot noong tanong niya. Kanina pa siya nakahiga at nakatulala sa kisame habang ako ay hindi yata makakatulog agad dahil masayang masaya ako sa ginawa ko! “Feeling ko kasi nanggagalaiti na sa galit yung may-ari ng unit dahil sa surpresa ko sa kanya!” Natatawang sagot ko. Kilig na kilig ako sa sobrang saya dahil sa wakas ay nakaganti na ako sa mga pagpapahirap niya sa akin!

