NYX Habang nagbibihis ako ay biglang pumasok sa isip ko si Tam. Masyado pa namang iyakin ang batang ‘yon kaya siguradong iyak na siya ng iyak ngayon sa kakaisip kung nasaan ako at ano na ang nangyari sa akin. Kilala ko si Tamiko at malabong i-comfort niya ang kakambal niya! Bago umalis ang customer ko ay buo na ang desisyon ko. Kakapalan ko na ang mukha ko at sasabihin ko sa kanya kung pwede niya akong bigyan ng advance na bayad dahil kailangan kong bumili ng bagong cellphone para ma-contact si Tam. Kailangan niyang malaman na nasa maayos na kalagayan ako para hindi siya mag-alala sa akin. Paglabas ko sa kwarto ay naabutan ko siya na nasa kusina. Umiinom siya ng tubig nang dumating ako doon kaya medyo nag alangan pa akong lapitan at sabihin ang sadya ko. “Ahm… Aalis ka ba ngayong gabi

